Kabanata 7

21.1K 921 88
                                    

7

     "Drigo." Tawag ko sa pangalan nya. Wala sa loob na tumaas ang isang kamay ko at humawak sa damit nya.  Nasa likod nya parin ako. Shielding me sa mga mata ng tatlo tulisan manyakis na nasa harap namin.

     Bahagya ako tinignan ni Drigo. Saglit lang pero ramdam ko ang init ng mga tingin nya habang tinitignan ang ayos ko.

     Thankfully at madilim hindi kita ang pamumula ng pisngi ko.

     Great Rayette at namula ka pa talaga ha. Nasa panganib kaya ang mga buhay nyo. Focus girl. --- sensible side.

     "Huwag mo kami kalabanin binata. Hindi mo kami kilala. Hindi kami mangingimi na patayin ka. Ibigay mo sa amin ang binibini at hindi ka namin lubos na sasaktan."

     "Bakit hindi nyo ako subukan. Akin ang binibini, kamatayan ang kabayaran kung sino man ang sasaling sa kanya."

     Tumawa ang mga lalaki. Nakatayo na si Panot kahit na nga bakas parin ang sakit sa mukha dulot ng pagkakatuhod ko.

     Akin ang binibini.

     Hindi ko alam kung bakit tila mas may malalim pa na ibig sabihin ang sinabi iyon ni Drigo.

     Pilingera much teh--sensible side.

     "Ano ka ang hari? Tanging babae lang ng hari o prinsepe ang hindi pwede salingin. Eh sa itsura mo iyan binata isa ka lang mahirap na rebelde tulad namin." Pang-aasar ni payat.

     Hari o prinsepe?

     "Kung ayaw mo ibigay ang babae, kukunin namin sya ng sapilitan sayo." Sabi ng may pilat at sumugod ng nakataas ang itak.

     "Ay," impit ako napatili ng mabilis umiwas si Drigo na dala ako. Hinapit nya ako sa bewang at inikot.

     Hangin ang tinamaan ng itak. Habang sapatos naman ni Drigo ang tumama sa mukha nito.

     "Woa." Nasabi ko. Ang bilis kumilos ni Drigo. Patunay doon ng muli sya umiwas ng si payat naman ang kumilos. Iwinasiwas nito ang espada hawak na mabilis na naiilagan at naiiwasan ni Drigo. Take note dala-dala nya ako habang umiiwas siya.

     Ang higpit ng pagkakahawak ko sa tuwalya dahil tila ano man oras babagsak iyon.

     "Drigo, bitawan mo ako para makalaban ka ng maa--," naging sinlanki yata ng platito ang mga mata ko ng bigla nya ako isandal sa puno. Nakaharap na sya sa akin  at sa liwanag ng buwan nagtagpo ang mga mata namin.

     "Hindi kita bibitawan binibini." He said in between our joined breath.

     OMG shit laglag na ang puso ko. --- flirty side.

     "Lalo na sa ganyan ayos. Kamatayan ang kapalit kung sino man ang titig o hahawak sayo."

     Geez kamatayan talaga. Ganito ba sya ka protected sa mga babae sa samahan niya?

     Hindi ka isa sa kanila remember. Dayo ka lang-- sensible side.

     Eh bakit ganito sya?

     Really nakuha mo pa talaga na makipag-usap sa sarili mo ha. --- sensible side.

     "Pero hindi ka makakakilos ng maayos kung hawak mo ako."

    He smirked. His famous smirk. "Kaya ko gawin ang lahat Mary Rayette. Basta hawak kita." Sabi niya na oo nga at nagpagulo sa isip ko, pero naghatid naman ng kakaiba kilig sa akin.

     Hindi na ako nakapiyok kasi muli kami sinugod ng tatlo tulisan.

     Nilabanan nya ang tatlo na hawak ako, gamit ang isang espada na naagaw nya sa mga ito.

DayoWhere stories live. Discover now