Kabanata 20

19.2K 886 149
                                    

     Para ako sinuntok sa sikmura. Literal kasi nawalan ako ng hangin, habang pinagmamasdan ko si Drigo.

     Five months. Limang buwan na hindi ko sya nakita.

     Bakit andito sila? At bakit ganyan ang mga ayos nila?

     My heart beat so fast. Gustong-gusto ko tumakbo yakapin sya. Hawakan ang mga kamay nya. Gusto ko umiyak sa balikat nya habang kinikuwento ang mga pinagdaanan ko ng wala ako sa poder nya.

     Gustong-gusto ko gawin lalo na ng bumaba sya ng kabayo. Baba din sana ako para tumakbo patungo sa kanya ng naglakad sya papunta kalesa. Inalalayan nya bumaba si Sena, pagkatapos ay iyong babae hindi ko kilala.

     Nahinto ako sa pagbaba dahil nakita ko ang pag-alalay nya sa babae, at ang pag hawak ng babae sa braso niya.

     Hindi pwede hawakan ng isa lalaki sa malapit na paraan ang isang babae kung hindi  niya ito kasintahan.

     Ang turo na iyan ni Nanay Geneva ang paulit-ulit sa isip ko. Hindi bumitaw ang babae sa braso ni Drigo at hindi naman iyon inalis ng binata.

      Marahas ako napahinga. Stop it Rayette. Wala ka karapatan sa kanya at hindi ito ang oras para sa mga ganito bagay. Pangaral ni sensible side.

      I steeled my heart. Ginamit ko ang isa sa mga natutunan ko sa pagiging assassin. Ang itago ang totoong nararamdaman.

     "Erick, ikaw ang bumati sa kanila?" Sabi ko sa kasama.

     Taka nya ako tinignan.

      "Kilala nila si Rayette." Mabilis na paliwanag ko. "Hindi nila ako pwede makilala."

     Nagets nya naman kaagad ako.

     Ganon nga ang nangyari. Sya ang nauna bumaba at bumati kina Drigo.

     "Maganda-araw Ginoo...?"

     "Sya si Ginoo Rodrigo." Pakilala ni Pedro. "Inaasahan sya ni Ginoo Hipolito."

     Yumukod naman si Erick, sumunod ako na nasa likod nya. Doon na ako pumuwesto simula ng bumaba kami sa kabayo.

     "Maligaya pagdating Ginoo Rodrigo. Sumunod kayo at dadalhin namin kayo kay Ginoo Hidalgo."

     Nakayuko at naitatago ng sumbrero buri ang buong mukha ko. Palihim ako sumilip.

     Wala ako mabasa sa mukha ni Rodrigo. Tumango lamang sya kay Erick.

     Noon na nasa Liwayway ako, ang lagi ko nakikita suot nya ay tshirt at pantalon na para sa mahihirap. Ngayon ko lang sya nakita nakasuot ng mga damit para sa may mgay kaya sa mundo ito. Malinis at maayos din ang pagkakatali ng kanya buhok. Kung sa simple pananamit his aura speak power and authority, lalo na ngayon. Mukha sya isa suplado anak mayaman na lahat ng sabihin ay sinusunod.

     "Marami salamat sayo." Sabi naman ng babae nakahawak sa kanya. Mahaba ang buhok nya, mahinhin  at babaeng-babae kumilos. Mukha ito heredera. Isang mahinhin at maganda heredera. "Ako si Tanya, at sila ang mga kaibigan namin na si Pedro at Sena, marami salamat sa pagsalubong samin."

     Ang ganda nya. Muli ko pinasadahan ng tingin si Tanya. At mukha mabait pa. Bagay sila ni Drigo.

     Nang ibalik ko ang tingin sa binata nakita ko papunta ang tingin nya sa gawi ko kaya nagpakayuko-yuko ako.

     Hindi naman nya siguro ako makikilala.

      Kahit nakayuko ako ramdam ko ang titig nya, para na tuloy ako aatakihin sa puso.

DayoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt