Kabanata 23

20K 872 105
                                    

     Bakit kailangan nya sabihin iyon?  Sa harap pa ni Tanya. Di ba magkasintahan sila?

     Nanggigigil na kinuskos ko ang tungki ng ilong ko.

     Playboy na pinuno. Bumabanat kahit naandyan ang girlfriend.

     Naapektuhan ka naman. -sensible side.

      Oo. Dahil matagal ko ng narealize na mahina ang puso ko pagdating kay Pinuno Rodrigo.

     Nakarinig ako ng katok sa silid na tinutuluyan ko.

     Ito pa ang isa. Dito sa kwarto nya ako pinatuloy. Halos sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Tanya at Sena ng marinig namin iyon.

      “A-ano iyon ulit pi-pinuno?”

     “Sa kwarto ko, ikaw tutuloy Mary Rayette.”

     “Rodrigo, ano ba iyan sinasabi mo? Bakit papatulogin mo ang isang dalaga sa kwarto mo, hindi iyon maganda tignan.” Apila kaagad ni Tanya.

     “Oo nga Drigo. Panget tignan kung doon sya matutulog. Isa syang babae.” Sang-ayon ni Sena.

     Tss, talaga lang ha. Flirty side scoffed.

       “Sa kwarto ko matutulog si Rayette.” Drigo said, with finality.

     “Drigo-,”

     “Pinuno-,”

     “Hindi na bago ang pagtulog ni Rayette sa kwarto ko. Alam mo iyan Sena.”

     Omg! Dapat ba nyang sabihin iyon?  Parang ang dating sakin, may relasyon kami at normal lang na sa kwarto nya ako tumuloy.

     “Saan ka matutulog kung ganon Drigo? Huwag mo sabihin magsasama kayo sa isang silid.”

     Hmm not bad, tara na Drigo lets sleep na. Flirty side said sexily. Piningot sya ni sensible side. Haliparot.

     Tnignan ako ni Drigo. Todo iwas ako ng tingin.

      'Pagdating sayo binibini nagiging maginoo bastos ako.'

     O Shit bakit naalala ko iyong banat nya na yan?

      “Kung gusto ng Binibini.” Nasamid ako sa sagot na iyon ni Drigo.

      OMG!I want! I want! -tili ni flirty side

     Tumawa naman si Drigo nang makita ang pamumula at panlalaki ng mga mata ko.

      “Nagbibiro lang ako, Mary Rayette.”

      Ay.- flirty side, nanlumo.

      Inismiran ko naman sya. Pinagtritripan nya ako. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa ng marinig ko tumawa sya.

     “Rodrigo, hindi maganda biro iyan.” Saway ni Tanya.

     “Paumanhin Tanya.” Sabi ni Drigo. Bumaling ulit sa akin si Drigo. “Pumasok ka na sa silid Rayette. Magpapadala ako ng gagamot sa mga sugat mo.”

     Wala ako nagawa kundi ang sumunod. Hindi ako nakatulog kaagad pagkatapos ako gamotin. Why? Dahil amoy na amoy ko si Drigo. Kung ano-ano x-rated ang naiisip ko ng nakahiga ako sa kama tinutulugan nya.

     Mahalay ka.- sensible side.

     Masisi nyo ba ako? Ilang buwan ako nawalay sa tao, ang hot nya pa para diko pagnasaan.

DayoWhere stories live. Discover now