Kabanata 31

21.1K 995 192
                                    

31

     

     Isa-isang bumagsak ang mga Tagapagparusa na tinamaan ng bala ko. Napahinto ang lahat ng umalingawngaw ang ingay na gawa mga putok.

     Lahat nagulat.

     Hindi ko sila pinansin. Nilapitan ko ang pinuno ng Tagapagparusa na hindi ko pinuruhan.

     Tinanggal ko ang suot ko sumbrero at nilugay ang buhok ko.

      “I-ikaw?” hindi makapaniwala na sabi niya.

     Ngumiti ako. “Oo, ako.”

      “Dito ka lang pala nagtatago. Matutuwa sa akin ang komander dahil natagpuan kita.”

    “Kung makakaalis ka ng buhay dito.” Itinutok ko ang baril sa kanya.

     Bumakas ang takot sa kanya mga mata. “Ano ang bagay na iyan?”

      “Armas ni kamatayan, ibinigay sa akin para, ipadala lahat kayo sa impyerno.” Then I shot him again. Sa ulo ko pinatamaan para sigurado patay.

     May mga sumugod pa, walang hirap ko silang pinatumba lahat, hindi lang gamit ang baril ko, kundi pati ang mga kamay ko.

     Hanggang wala ng natira buhay sa kanila.

     Bahagya ako humihingal. Tinignan ko amg damit ko may tilamsik ng dugo.

     "Tss, I'm getting clumsy," bulong ko.

      “Mary Rayette.” Nanigas ako ng marinig ang tinig nya.

    
     Dahan-dahan ko syang hinarap. “Drigo.” Humihingal sya, dahil sa  pagmamadali nyang makarating dito. Bakit naandito na sya?

    
     Bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Hindi lang sa sya, kundi lahat ng taga-Liwayway na nakasaksi.

       
     Nakita nilang lahat kung paano ako pumatay.

    
     “A-ano ang armas na iyan?’ tanong ni Pedro na nakatingin sa baril ko.

    
     Hindi ako makasagot. Anong sasabihin ko? Baril ang tawag dito. Ito ang armas ko sa pagpatay ng tao sa mundo ko.

    
      Napakagat-labi ako, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

    
     Hanggang sa nakita ko si Anita.

    
      Tinakbo ko sya.

    
      “Ejercito.” Tawag ko dahil nasa kanya iyong isa kong bag. Alanganin sya kung lalapit o hindi, sa akin. Nakaluhod na ako sa tabi ni Anita. “Dalian mo Ejercito kailangan natin sya mailigtas,” sigaw ko.

    
     Narinig nya ang pagmamadali sa boses ko kaya tumakbo na sya papalapit sa akin.

    
     Mula sa bag ko kinuha ko ang isa pang bag kung saan nakalagay ang emergency kit na ginagamit ko kapag nasusugatan ako sa laban.

    
     Doon mismo sa kung saan nakahiga si Anita. Sinimulan ko syang asikasuhin. Kailangan ko magmadali, kailangan ko maampat ang pagdurudugo.

    
     
     Umiwas ng tingin ang mga lalaki ng gupitin ko ang damit ni Anita. Gamit naman ang damit ko na kinuha ko sa aking bag itinakip ko iyon para hindi naka-expose ang katawan nya.

     
      Narinig ko ang bulungan, lumapit na sila sa amin at pinalibutan ako. Hawak ni Ejercito ang flashlight na kinuha ko rin sa bag ko.

DayoWhere stories live. Discover now