Kabanata 22

19.3K 1K 147
                                    

     I stopped breathing.

     I was so electrified sa pagdidikit namin.

     May flirty side is purring. Nabuhay ang dugo na na freeze yata ng mga panahon na hindi ko kasama si Drigo.

     "Ginawa nya ang tungkulin nya. Hipolito, hindi dapat sya parusahan."

     Nakatingala ako kay Drigo. His eyes is so dark. Tulad ng 'gabing' iyon.

     Nakita ko ang pagkatigalgal ni Hipolito. Hindi makapaniwala na may kumontra sa kanya.

     "Gaya nga ng sabi ko. Magkaiba tayo ng paraan ng pagpapasunod sa mga tauhan natin."nagdidilim ang mukha na sabi ni Hipolito. "Sana ay huwag mo ako pakialaman kung paano ko gagawin ang sa akin."

     Magsasalita sana si Drigo, pero mabilis ako kumawala sa kanya. Lumuhod ako sa harap ni Hipolito. Kailangan ko maagapan ito. Baka bigla ipapatay ni Hipolito sina Drigo ngayon.

      "Paumamhin Ginoo. Nagkasala po ako."

     "Raye-," lumipad ang tingin ko kay Drigo.  Pinigilan ang pagtawag nya sa akin sa tunay ko pangalan.

     "Maraming salamat Ginoo. Tama po ang aking pinuno. Hindi nyo po kailangan na pigilan ang aking kaparusahan. Isa lang po ako hamak na Tagasunod at Tagabantay. Huwag nyo po sayangin ang laway nyo para lang sa isang tulad ko," sabi ko habang deretso nakatingin sa mga mata nya.

     Hindi niya  nagustuhan ang sinabi ko. Kitang-kita ko iyon sa pagkuyom ng kanya mga kamao. Sa pag-igting ng kanya bagang at sa mas lalong pandidilim ng kanya mga mata, kumurap ako at sa isang iglap lang nagbago iyon. His posture became relax,  his expression became blank. Inalis nya ang tingin nya sa akin at inilipat kay Hipolito.

     "Wala ako pakialam kung paano mo didisiplinahin ang mga Tagasunod mo Hipolito. Kahit patayin mo sila sa harap ko wala ako pakialam."

     Napayuko ako. My flirty side is crying. Nasaktan sa sinabi ni Drigo.

     "Pero ang hindi ko gusto-," Humakbang papalapit si Drigo kay Hipolito. Hindi ko maintindihan kung bakit napaatras ang sira-ulo ko amo ngayon. Natatakot ba sya?

     Tinignan ko ulit si Drigo. His face is still blank, but his dark eyes said it all. Pusta ko nakikita ni Hipolito ang kamatayan nya sa mga mata ni Drigo.

     "-ay ang may maparusahan ng dahil sa akin. Kapag sa akin nagkamali ako ang magpaparusa, at wala ako pakialam kung kanino Tagasunod sya. Naiintindihan mo ba."

     Ayan na naman iyong tono sa boses ni Drigo. Iyong tono na 'ito ang gusto at wala ka magagawa kundi sundin ito.' Hindi ako makapaniwala na may epekto iyon kay Hipolito na kahit na sa iang tulad nya mataas ang antas sa lipunan ay titiklop sa ganon tono ng binata.

     Sino ka ba talaga Drigo?

      Lumunok si Hipolito. Pilit na ngumiti.

      "K-kung ganon ay mas gusto mo ikaw ang magpaparusa sa kanya, ganon ba Drigo."

     Nanlaki ang mga mata ko. Si Drigo ang magpaparusa?

      Hindi sumagot si Drigo.

      "Walang problema Drigo." Iniabot ni Hipolito ang latigo sa kanya.

     Iyong mga kamay ko nakalapat sa lupa ay kumuyom. Pumikit ako at hinintay ang muli paglapat ng latigo sa likod ko.

     "Hindi ganyan ang gusto ko parusa Hipolito." Natigilan ako. "Gusto ko ibigay mo sya bilang alipin ko.

DayoWhere stories live. Discover now