Kabanata 41

22.5K 1K 355
                                    

  

     Nasa kapatagan kami, sa likuran ng palasyo. Patungong kagubatan.

      Hindi ko pinapansin ang mga pasimple paghimas ni Marillo sa braso ko.

      Kumukulo ang dugo ko lalo na kapag naalala ko ang mga sinabi ni Sena.

     Huli na ito Drigo. Kapag nagkaharap tayo lilinawin ko lahat. Lahat.

     Suminghap si Winona, napahinto ito sa paglalakad na muntik pang ikatumba ni Sena.

     "Anong ginagawa mo? Kumilos  ka." Pilit na pinapatayo ni Sena si Winona na nakahawak sa tiyan at bakas ang sakit sa mukha.

     "Palayain nyo na sya." Sinubukan ko kumawala kay Marillo.

     "Pakawalan nyo na sya, hawak nyo na kami ni Tanya diba. Hindi nyo na sya kailangan."

     Sumigaw si Winona. Nakita ko ang pagbakas ng takot sa mukha ni Sena.

     "Sena! Manganganak na sya. Malalagay sa panganib ang buhay ng bata kung hindi nyo sya papakawalan," sigaw ko sa babae.

     Bakas ang lito sa mukha ni Sena, lalo na ng mapaluhod na ng tuluyan si Winona.

     "Walang aalis, itayo mo sya Sena." Utos ni Hipolito.

      "Pe-pero."

    "Sundin mo ako o papatayin ko kayo dalawa ngayon."

     Bumakas ang gulat, takot at galit sa mukha ni Sena.

     Akala ko pipilitin niya na itayo si Winona na ngayon ay nakaupo na at hawak ang tiyan. May dugo bumakat sa damit nito, sa may banda hita.

     "Hindi mo ako utusan Hipolito," sabi ni Sena sa labis na pagkagulat ko.

     "Se-sena," umiiyak na tawag ni Winona sa kaibigan.

     Hinawakan ni Sena ang kamay ni Winona.

     "Ibabalik kita sa palasyo, hindi kayo mapapaha-,"

     "Shit!" Napamura ako nang saksakin ng isa sa mga tauhan ni Marillo si Sena.

     Napasigaw si Winona na nabalot ng dugo ng kaibigan.

   "Sena!" Puno naman ng takot ang boses na sabi ni Tanya.

    Bumagsak ang si Sena.

     "Kung wala ka na rin naman pakinabang, hindi ka na namin kailangan.”

     “Se…Sena,” tawag ni Winona sa kaibigan, pinipilit niya takpan ang sugat ng babae sa may dibdib.

     “Pa…patawad,” mga huling salita ni Sena bago ito tuluyan na malagutan ng hininga.

     Tinutukan ni Hipolito ng espada si Winona.

     “Tumayo ka dyan o mauuna mamatay ang sanggol sa sinapupunan mo.”

     “Subukan mo at kahit mamatay ako, sisiguraduhin ko patay din kayo,” I said softly.

     Nang-aasar na tumawa si Hipolito. “Anong magagawa mo marami-,”

    Itinaas ko ang dalawang paa ko. Ginamit ko ang katawan ni Marillo para masuportahan ang aking bigat. Lumingkis ang aking binti sa isa sa mga tauhan nila nasa malapit. Sa isang galaw ko Lang, lumagatok ang buto nito sa leeg at walang buhay na bumagsak.

     Walang nakakilos kaagad sa labis na pagkabigla. Lahat ay nakatingin sa katawan ng lalaki nakalugmok na sa lupa.

     Si Marillo ang una nakabawi.  Hindi niya ako binitawan, hinigpitan niya ang pagkakasakal sa akin. 

DayoWhere stories live. Discover now