kabanata 5

22.1K 1K 136
                                    

     Pamilihang bayan.

     Parang palengke/mall pala dito. Ang dami tao at ang dami pwede mabili.

     Palingon-lingon ako habang nakasakay sa kariton na hinihila ng kabayo.

     Pagkatapos ako tanongin ni Drigo kung ayaw ko ba sya maging asawa tila sinisilihan ang pwet na nauna pa ako sumakay sa kariton nila.

     Sagrado pala ang pag-angkas sa kabayo dito. Kung hindi lang emergency (meaning kapag may sakit o sugatan isang tao) hindi ka pwede mag-angkas o umangkas na lang basta, dahil tulad ng sabi nila dapat kasintahan o asawa lang ang nakaangkas sayo.

     Kapag nakita ka nakaangkas sa kabayo ng tao hindi mo naman kaano-ano ipapadala ka sa bahay-aliwan. Mababansagan na bayarang babae o gigolo.

     Isa ito sa pagpapatunay na nasa iba mundo yata talaga ako.

     Isinakay lang sa kabayo kailangan ng magpakasal o pakasalan. At kapag hindi kayo nagpakasal sa mga bahay-aliwan kayo babagsak? Saan lupalop ng Pilipinas o mundo may ganito kultura?

     Baka naman meron girl ang laki kaya ng planet Earth. Katwiran ni sensible side.

     Kaya ang resulta dito ako naupo. Kahit na nga gustong-gusto ko sumakay sa kabayo.

     Ang lutong naman kasi ng tanong ni Drigo muntik na ako sumigaw ng "I do"

     Humalinghing ang kabayo ni Drigo kaya napatingin ako sa kanya. Ang binata nakatingin sa akin.

     Bakit ba kung makatitig sya para may binabasa sya sa akin.

     It's okay na tumitig sya. Nakakakilig para ako natutunaw.

     Si sensible side na inaanalize ang titig ng binata habang si flirty side gusto ng tumalon papunta sa kabayo ng binata.

     Ano ba sya. Its rude to stare . Kung ang batas nila ay ipapakasal ka sa lalaki tumititig sayo malamang nasa simbahan na kami.

     Kahit sa nakasakay sa kabayo ramdam mo hindi sya basta-basta. Buong kilos nya para sumisigaw ng kapangyarihan.

     Isang hamak na pinuno lang naman sya. Bakit iyong aura nya tila higit pa sya  doon.

     Isang malaki misteryo sya para sa akin.

■■■■■

     Halos mabali ang leeg ko sa kakatingin ng bumaba kami.

     Nagkalat ang ibat-ibang tindahan sa paligid.

     May mga damit. Katulad ng mga suot namin pero magaganda klase. At may sapatos din naman pala. Style canvass shoes sya, kapag panlalaki. Habang flat sandals naman sa babae. Mas kakaiba lang ang desenyo at mukha matibay. I think pang may kaya lang ang mga ganito klase damit at sapatos.

     Ngayon nakakita na ako ng marami tao. Kita ko na ang pagkakaiba at status ng bawat isa sa buhay.

     Ginto at pilak ang palitan nila dito. At nakita ko binabayaran ng ginto o napakarami pilak ang ganito klase damit at sapatos. 

     Iyong damit naman at sapatos na tulad ng suot ko ay ang pangmasa, to put it bluntly is pangmahirap.

     Nakita ko bumili si Nanay Geneva ng   kulay asul na bestida na binayaran nya tatlo  pilak. May isa pa ale bumili at nakita ko naman na pinagpalit nya ang tatlo malalaki pakwan para sa dalawa damit na panlalaki.

     Amazed na amazed talaga ako sa mga nasasaksihan ko. Buhay na buhay ang pamilihang bayan. Marami tao at maingay.

     Naagaw ang pansin ko ng isang tindahan na mga punyal. Wala sa loob na lumapit ako doon. Hindi katulad ng iba tindahan wala ito sarili pwesto. Nakasabit lang sa leeg ng tindero ang isang kahon. 

DayoWhere stories live. Discover now