Kabanata 6

21K 925 40
                                    

    6

     Sinulyapan ko ang ipit na nasa buhok ko. Para ako tanga na kanina pa tinitignan ito mula ng dumating kami mula sa pamilihang bayan.

     At hanggang ngayon patuloy parin sa mabilis na pagtibok ang puso dahil kay Drigo.

     Bakit kasi kailangan nya pa lumapit sa akin ng ganon. Pwede naman nya iabot nalang at ako na ang maglalagay.

     Duhh okay lang iyon atleast nasinghot ko ang mabango nya hininga at amoy. High na high pa sabi ni flirty side.

     Napailing-iling ako. Tinignan ang papalubog na araw.

     Puro kalandian iyan iniisip mo. Bakit di ka kaya maligo muna. Mula ng dumating ka dito wala ka pa ligo. Nakakahiya ka nilapitan ka pa naman ni Drigo. Taas kilay na sabi ni sensible side. Napaunat ako. Shit. Oo nga inamoy pa niya yata ang buhok.

     Napatakip sa mukha si flirty side. Nakakahiya amoy pawis pa yata ako non.

     Mula sa pagkakaupo ko sa papag tumayo ako at lumabas ng kwarto.

     Itatanong ko kay Nanay Geneva kung saan pwede maligo. Obviously wala sila c.r o shower dito.

     Nakita ko naman ang nakakatanda babae. Kasama nya sina Sena, Winona, Trina, Benito, Pedro at si... Drigo.

     Nakaupo sila sa harap ng isa bilugan na mesa at may pinag-uusapan kung ano. Napansin ko lagi sila may meeting. Kung si Drigo ang pinuno ng grupo siguro ang anim ang pinagkakatiwalaan nya.

    Umatras ako. Sa iba na lang ako magtatanong. Ayaw ko makaharap si Drigo ngayon.

     Nakita ko tumingin sa  akin si Sena. Inirapan nya ako. Wala naman bago pero mas matatalim ang tingin nya. Lalo na ng mapasulyap sya sa clip na nasa ulo ko.

     Tsss dukutin ko mata nyan. ---badass side.

     Kalbohin na lang natin. --- flirty side.

     Thankfully hindi niya pinaalam sa iba   ang presensiya ko. Kaya tahimik ako nakalayo.

      "Laura, saan ang banyo nyo rito?" Tanong ko sa babae pamangkin ni Nanay Geneva.

     "Doon sa likod bahay binibini. Sa may ibaba."

      Wow parang ang layo ah.

     "Maliligo ka ba binibini? Gusto mo ba magtawag ako ng lalaki para ipag-igib ka?" Tanong nya na mabilis ko tinanggihan.

     "Naku, its okay Laura." Kumunot ang noo nya. "Ang ibig ko sabihin, huwag na ako na ang bahala sa sarili ko." Ngumiti ako at nagpasalamat bago muli bumalik sa kwarto ko.

     Bukod sa ipit binili rin ako ni Drigo ng mga pangangailangan ko. Kaya meron na ako sarili tuwalya na may burda ng ulo ng leon at rosas, sepilyo, sabon at kung ano-ano pa.

     May damit din, sumbrero buri and even buri bag meron lahat may design na leon at rosas.

     "Napansin ko mahilig ka sa rosas binibini kaya iyan ang mga pinili ko." Sabi ni Drigo nang tinitignan ko ang mga pinamili nya. Sinundan kasi nya ako sa loob ng kwarto ko at doon inabot ang bayong sa akin.

     Hindi ko makumpirma ang sinabi niya dahil wala nga ako maalala. Pero mukha tama sya dahil iyong wallet, canvass shoes at pantalon na suot ko ay may design na rosas kaya nagpasalamat na lang ako. Gusto ko sana itanong bakit may leon pa kasama kaso tinawag na sya ni Sena.

     Infairness sa C.r nila maayos. Akala ko iyong pang sinauna banyo din. Meron naman sila inidoro. Sementado ang sahig. May mga timba at tabo. Iyon nga lang  wala gripo. Kailangan ko pa mag-igib sa poso nasa labas.

DayoWhere stories live. Discover now