Kabanata 33

21K 1.1K 183
                                    

33.

          Prinsepe Rodrigo. Sya ang anak ng ni Haring  Rolando at Reyna Lorena. Isang gabi, isang traydor ang nagpapasok ng kalaban sa loob ng palasyo. Sinunog ng mga ito ang silid aklatan kung saan nagpapahinga ang reyna at ang anak nitong prinsepe. Namatay sa sunog ang reyna at inakala ring namatay ang prinsepe dahil sa bangkay na lalaking natagpuan sa tabi ng reyna. Ang hindi alam ng lahat, bangkay ng kalaban ang nakita. Iniligtas ng ikalawang-Tagapayo ang prinsepe. Sa tulong nito itinago ang prinsipe, at makalipas ang ilang taon, nang nasa hustong gulang na ang prinsepe, bumuo ito ng grupo.

      Sa loob ng ilang taon, dahil sa kalungkutan, napabayaan ng hari ang buong Dapit-Hapon, naging sunod-sunuran ito sa Unang-Tagapayo na syang may pakana ng lahat.

     Ito ang nagpatupad ng mga batas na hindi katanggap-tanggap. Lalong naghirap ang mga mamayanan na mahirap. Lalong naging mayaman ang mga taong sumusuporta sa Unang-Tagapayo.

     Binuo ni Drigo, ang Sandugo na ang layunin ay tulungan ang mga mahihirap at mga naaapi. Unti-unting pinalakas at pinarami ng binata ang miyembro nya. Hanggang sa lumaki at lumawig ang Sandugo. Lahat ng bayan may miyembro sya. Lahat sila na sumumpa ng katapatan sa binata ay alam ang na sya ang prinsipe.

     Ngayon, naghahanda si Rodrigo sa pagbabalik sa palasyo. Kailangan nya kompletuhin ang tatlong yaman ng Unang Pamilya na binibigay sa susunod na magmamana ng trono. Nasa pag-aari ni Drigo ang tatlong yaman ng araw na nawala ang trahedya. Naiwala nya ang dalawa sa pagtakas at naiwan ang sa  kanya ang isa. Ang Espada ng Unang Pamilya.

     Isa sa naging misyon ni Rodrigo na hanapin ang dalawang yaman. Nakita nya ang isa. Ang Medalyon na nasa Talapas-Nayon. Ang dahilan kung bakit nakipaglapit sya kay Hipolito. Iyon ang binigay ni Apo __ sa binata. Kunin niya ang titulo, at makakapasok sya sa minahan.

     At ang ikatlong gamit ay Ang Punyal ng unang pamilya, na hindi panito nakikita.

     Lahat may simbolo ng Unang Pamilay, ang Leon at Rosas.

     Napabuntung-hininga ako. Iniisip ko lahat ng sinabi sa akin ni nanay Geneva, na Tagapag-alaga ni Drigo. Patuloy ang kasiyahan sa bakuran ng kampo. Lahat nagsasaya habang ako nag-iisip dito sa likod. May kalayuan sa may kampo at nakaupo sa nakatumbang puno.

     Madilim sa pwesto ko, sa katunayan kanina pa ako kinakagat ng lamok. Dala ko ang flashlight at ito ang nagsisilbing liwanag ko habang tinitignan ang papel na may iginuhit na larawan ng Tatlong Yaman ng Unang Pamilya. Nagtagal ang tingin ko sa punyal. Sa punyal na ibinigay sa akin ni Mariya.

      “Hay, bakit ba habang tumatagal, pakumplikado ng pakumplikado ang buhay ko dito.”
Kumamot ako sa tungki ng ilong ko.

     “bakit hindi ka na lang umalis dito.”

     Napatingin ako sa likod ko ng may nagsalita.

     Naitakip ni Tanya ang kamay sa mukha ng matutukan ko sya ng flashlight.

     “Binibini.” Tumayo ako.

      “Ngayong kilala mo na ang tunay na katauhan ni Drigo, siguro naman naisip mo na talagang hindi ka bagay sa kanya. Isa syang prinsepe, ang susunod na hari. Sa tingin mo ba nababagay sa kanya ang mamatay tao na tulad mo?”

     Eh sinong bagay? Ikaw? Tanong ni flirty side.

     Hindi ako umimik.

     “Iniisip mo siguro na masyado akong mapagmataas, diba? Iniisip mo kung anong karapatan ko na magsabi kung sino ang bagay kay prinsepe Drigo. Hayaan mo ipakilala ko ulit ang sarili ko.” Itinaas nya ang mukha.

DayoWhere stories live. Discover now