Kabanata 10

22.2K 959 146
                                    

10.

      Dapit-Hapon ang tawag sa mundo ito. Hindi nila alam ang planet earth lalong hindi nila alam ang Pilipinas.

     Ang Dapit-Hapon ay pinamumunuan ng Hari at Reyna na may Konseho na binubuo ng sampung Tagapayo. Sila ang nagsa-suggest ng batas sa hari. Habang ang hari ang pipirma at magpapatupad niyon.

    Mabuti si hari Rolando. Ngunit ng mamatay ang reyna at ang labing-lima taon gulang nitong prinsepe. Tila nawalan na ito ng gana na mabuhay.
Lagi ito tulala. Kumikilos pero hindi ngumingiti. Unti-unti napabayaan ng hari ang Dapit-Hapon.

     Naging sunod-sunudan si hari Rolando sa mga konseho nito.
Mga Konseho na inaabuso ang kawalan sigla at gana ng hari.

     Naging magulo sa Dapit-Hapon. Nagkalat ang masasama tao. Dumami ang mga umaabuso.

     Walong taon na madilim at puno ng karahasan ang bawat bayan dito.

     Ang Sandugo. Ang grupo ni Drigo ay isa mga palihim na tumutulong sa mga naaapi at inaabuso.

     Hindi malinaw sa akin kung paano nabuo ang grupo. Kapag tinatanong ko kasi umiiwas sila kaya hindi na ako namilit.

     Matagal-tagal na din na naandito ako. At dahil medyo nakapag-adjust na ako hindi na gaano maingat at bilang ang kilos ko.

     Akala ng iba naengkanto o nababaliw ako kaya kakaiba ang kinikilos ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi. May amnesia lang ako. Hindi ako baliw kaya sigurado ako na nasa iba mundo ako.

     At hanggang ngayon wala pa din ako nasasagot sa mga tanong ko. Isa na doon kung paano ako na punta dito.

     May isa pa ako dilemma.

     Boredom. Hindi ko alam kung bakit, but I feel so restless. Tulad ng sabi ko hindi sanay ang katawan ko sa mga ginagawa ko dito.

     Dito sa Dapit-hapon walang ginagawa ang mga babae kundi gawain bahay lang. Hintayin ang mga kalalakihan na dumating. Well maliban pala kina Sena, Winona at Trina na minsan ay kasama umaalis nila Drigo.

     Speaking of Rodrigo. Until now hindi ko parin alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang ngayon lito padin ako sa mga kakaiba at bago pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya.

     Mula sa sa pagkakaupo sa bangko nasa may bakuran napaunat ako ng maalala ko ang pinangako ko sa kanya.

     "Ipangako mo na hindi mo ako iiwan."

     "Ha?"

     "Ipangako mo na hindi ka aalis sa tabi ko hanggat hindi pa bumabalik ang alaala mo."

     Hanggang ngayon ramdam ko padin ang pagkadismaya ni flirty side ko. Akala ko ang ibig nya sabihin ay huwag ko sya iwan.

     Assume pa more--- sensible side.

    Pasagi-sagi din sa isip ko ang ginawa nya paghalik sa akin. Pilit ko winawala sa isip ko iyon pero paulit-ulit din na bumabalik.

     Nakakainis lang kasi na parang ako lang ang apektado. Patuloy sya sa mga ginagawa nya samantalang ako napapahinto.

     Huwag na kasi isipin --- sensible side.

     Pwede ba hindi. --- flirty side.

     Oo kung gugustuhin mo, pwede. --- di papatalo si sensible side.

      Geez nababaliw na naman ako. Ang masaklap pa iyong taong dahilan ng pagkabaliw ko mukha hindi apektado.

DayoWhere stories live. Discover now