Kabanata 21

19.1K 880 125
                                    

     A  hissed escaped my lips nang ilapat ko ang sinilab sa apoy na dahon ng bayabas sa sugat ko sa kaliwa braso.
Nakuha ko iyon ng harangan ko ang  itak na tatama sana kay Rodrigo.

     Medyo malalim iyong hiwa kaya naman tinalian ko pa ng puting tela.  Hindi ko ito gaano iniinda dahil mas malala pa dito ang inabot ko noon.

     Bumaba ako ng kubo. May itaas na bahagi ito kubo.

     Sa silong nakita ko sina Drigo, mahina nila kinakausap si Apo Temyo.

      Tumango si Apo, "Kung mapapatunayan mo na karapat-dapat ka. Hahayaan kita pumasok sa loob at kunin ang dapat mo kunin." Umabot iyon sa pandinig ko.

     Kumunot ang noo ko. Anong pinag-uusapan nila?

     Tumango si Drigo. "Maraming salamat Apo Temyo."

     "Dito na kayo magpalipas ng gabi." Alok ni Apo Temyo.

     Umiling si Drigo. Naagaw ang pansin ko ng sugat nya sa may noo.

     Kumuyom ang aking kamao. Hindi ko nagawa sanggain ang isang iyon.

     "Maraming salamat sayo. Pero sa susunod hindi mo ako kailangan protektahan dahil kaya ko protektahan ang sarili ko." Naalala ko sabi niya sa akin ng nasa taas kami ng kubo kanina.

     Nasaktan ako sa sinabi niya,  sa mga ganito bagay na lang sana ako makatulong sa kanya.

     "Sumusunod lang ako sa utos Ginoo."

      "Meron ako mga tauhan na gagawa niyan, ayoko ko magkaroon ng utang na loob sa pinuno mo."

     Sobra napuzzle ako sa sinabi niya. Ayaw nya magkaroon ng utang na loob kay Hipolito. Pero anong ginagawa nila doon? Bakit sila bumisita?

     "Marami salamat Apo Temyo, ngunit kailangan namin umalis ngayon, marami pa kami dapat gawin." Tanggi ni Drigo sa Apo.

     Nang gabi ngang iyon umalis din kami sa Talampas Nayon.

     "Mag-iingat ka Rayette." Ang sabi ni Apo Temyo ng palihim ko sya kausapin.
Hinawakan ko ang kulubot nya kamay. Apo Temyo is sixty-five years old pero matikas pa din ito.

     Noong una, nang hindi pa ako nakakarating sa Talampas Nayon, akala ko ang Tribo ng Haghari ay tulad ng mga katutubo sa mundo ko. Iyong mga nakabahag, kulot ang buhok at nakapaa. Nagkamali ako.

      Pangkarariniwan ang suot nila damit. Iyong kasuotan din ng mga ordinaryo tao dito sa Dapit-hapon. Tulad ng iba hindi din marunong magbasa ang mga tao dito maliban kay Apo Temyo. Kaya naman ng mag-stay ako dito, tinuruan ko ang ilan sa kanila. At ang mga natuto  naman ay nagtuturo na  din sa iba.

     "Huwag po kayo mag-alala Apo mag-iingat po ako, kami. Malapit na po ito matapos  magtatagumpay tayo. Sigurado po ako dooon."

     Ngumiti ang matanda. Sinulyapan si Drigo na nasa labas kasama ang grupo niya.

     "Ang binata iyon ang iniibig mo hindi ba? Sya iyong tao lagi mo iniisip sa kulungan at maging ng naandito ka,"

     Namula ako. Obvious ba ako?

     "Opo Apo. Pero nakita nyo naman masyado kami malayo para sa isat-isa . At may kasintahan na din sya Apo."

     Sinulyapan ko si Tanya na hindi umaalis sa tabi ni Drigo. Nasaksihan ko kanina kung paano nya protektahan ang babae. Ang sugat nya sa noo ay dahilan ng pagharang nya sa sarili ng puntiryahin ng isa bandido si Tanya.
Nang mga oras na iyon nakumpirma ko magkasintahan nga sila.

DayoWhere stories live. Discover now