Kabanata 12

18.7K 954 146
                                    

12.

Nanatili kami ni Anita at Ejercito dito sa patag.

Pabalik-balik ang lakad ko kulang na lang magkaroon ng butas ang lupa.

Hindi maalis sa pakiramdam ko na parang may mali.

Bakit pakiramdam ko hindi ako dapat naandito?

Dapat kasi naandon ako. Nakikipaglaban din. --- badass side.

Ano namang malay ko don. Baka hahawak palang ako ng espada hiwa na ang katawan ko. Mas mabuti pa na dito na lang ako. Mas safe. --- sensible side.

Pero si Drigo baka kailangan nya ng tulong. --- flirty side.

Kung kailangan nya ng tulong hindi ako ang makakatulong sa kanya. Baka nga makabigat pa ako. --- sensible side.

Napailing-iling ako sa pagtatalo-talo ng mga tinig sa isip ko.

Si Ejercito na bagamat nakatayo lang ay nakalabas naman ang espeda at alerto. Pansin ko rin ang pag--aalala sa mukha nya. Si Anita ay obvious na natatakot.

Nagkatinginan kami tatlo ng makarinig ng mga yabag papalapit.

Napahinto ako sa ginagawa ko habang mabilis naman na lumapit ang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ko ng parehas nila iharang ang sarili nila sa harap ko, na para bang handa nila ako protektahan sa ano man na pwede mangyari.

Sunod-sunod na lumabas ang mga kalalakihan lima sila at may hawak na mga armas. Sa itsura pa lang nila halatang hindi na gagawa ng maganda.

Ngumisi ang isa ng makita kami ni Anita.

"Tignan mo nga naman. May mga babae dito." Sabi ng isa na mahaba ang buhok.

"Mukhang maiinitan na tayo mamaya." Sabi ng isa pa at sabay-sabay sila tumawa.

"Anong kailangan nyo mga ginoo?" tanong ni Ejercito na hindi ibinababa ang espada.

Bulky and mamasel si Ejercito. Halata batak sa trabaho. Pero sigurado ako wala sya laban sa lima kapag pinagtulungan sya. Maliban na lang kung talaga mahusay sya sa pag-eespada.

"Ang dalawa binibini lang naman ang kailangan namin binata. Ibigay mo sila sa amin at hindi ka masasaktan."

"Pasensya na mga ginoo. Hindi ko sila pwede ibigay sa inyo." Itinaas niya lalo ang espada.

"Binata kung ayaw mo masaktan ibigay mo sa amin ang dalawa babae, baka sakali buhayin ka namin."

"Hindi nyo sila makukuha." Pagmamatigas ni Ejercito.

"Kung ganon mamatay ka." At nagsimula na ang gera.

Magaling si Ejercito nagagawa nya sanggain at gumanti kahit na nga lima ang kalaban nya. Kayang-kaya nya ang mga ito pero dahil mga bandido ang kalaban nya may dayaan na mangyayari.

May naghagis ng tali at pumulupot iyon sa kamay ni Ejercito may hawakk na espada. Kasabay ng pagsipa ng isa sa tyan niya.

Hindi siya nagpatalo. Hinila nya ang tali at sinalubong ng suntok ang may hawak niyon. Ngunit isa ang sumugod sa likod nya at hiniwa sya sa tagiliran.

"Ejercito!" sabay namin sigaw ni Anita ng bumagsak sya. Mabilis ko tinakpan at hinawakan ang dumudugo nya sugat.

"Bi-binibini. Tu-tumakbo na kayo." Kahit sugatan nakataas pa din ang espada nya. Ang mga mata nya ay nasa lima lalaki parin na tumatawa.

Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at tinalian ang sugat nya. "Anong sinasabi mo?" Patuloy naman ang pag-iyak ni Anita sa tabi namin.

"Pipigilan ko sila sa abot ng ma-makakaya ko," ngumiwi si Ejercito. "Tumakbo kayo pala--." Natameme sya ng tignan ko sya ng matalim.

DayoWhere stories live. Discover now