Kabanata 4

23.5K 1K 197
                                    

4

     Lumipas ang isang araw na gulong-gulo parin ako. Kahit isa sa mga tanong ko wala nasasagot.

     Suot ko pa din ang kakaiba bestida at nagsisimula na ako mahirapan sa pagkilos dahil sa damit na'to. Lumipas din ang isang araw na wala ako ginagawa. Pag hindi nila ako pinagpapahinga sa kwarto nakaupo lang ako sa labas.

     Sa utos ni Drigo lahat sila ang trato sa akin para babasagin manika na anoman oras ay mababasag. At hindi ko ito kinatutuwa. Malakas ang kutob ko na isa ako active na tao. Iyong hindi ako sanay na wala ginagawa. Kaya naman nito umaga lumapit ako kay Nanay Geneva ng marinig ko pupunta sila pamilihan bayan na ang hula ko ay palengke.

     "Nay pwede po ba sumama?" Napatingin sila tatlo sa akin. Si Winona, Sena at ang nakakatanda babae. Napahinto sila sa pag-aayos ng sling bag na gawa sa tela.

     "Ano iyon Ineng?"

     "Pwede po ba ako sumama sa market... i mean sa palengke po."

     "Ang ibig mo ba sabihin na palengke  ay ang pamilihan bayan?" Tumango ako.

     Napahawak sa baba nya si Nanay Geneva. "Hindi ako sigurado Ineng. Magpaalam muna tayo kay Drigo."

     Napatingin ako sa grupo ng  kalalakihan na nasa isa dampa. Kabilang doon si Drigo. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila pero sigurado ako may pinaplano sila kung ano.

     May problema ang bayang ito.

     Kagabi may dumating na grupo ng mga sundalo. Tagapagparusa. Ang tawag sa kanila.

     Itinago ako nina Aling Geneva sa loob. Habang nakasilip sa maliit na siwang ng bintana nakita ko kung paano nila paghahagupitin ang isang lalaki sa labas ng bakuran ng bahay nito. Ang bugbogin ang kapamilya nito ng tumulong.

     Later on nalaman ko na pinarusahan ang lalaki dahil hindi kaagad ito nakapunta ng ipatawag ng Kapitan bayan.

     Iyon lang. Hindi lang kaagad nakapunta hinagupit at binugbog na. Ano bang klase lugar ito? Bakit parang kamay na bakal ang gamit na batas ng pamahalaan dito? Sumasakit ang ulo ko sa paghahanap ng matino sagot sa mga tanong ko.

     Napatingin ako sa paa ko. Medyo masakit pa ang sakong ko pero tingin ko hindi naman ako nabalian. Ito pa ang kakaiba. Hindi yata uso ang sapatos dito dahil telang na  may tali ang sapin sa paa ng lahat. Pero infairness makapal ito at hindi nasusugatan ang paa ko.

     Hindi ako bumalik sa nakaraan pero parang nasa sinaunang panahon ako dahil sa kultura nila dito.

     "Bakit kailangan pa magpaalam ako sa kanya Nay?" Tanong ko na muli napatingin sa binata. Nagtama ang mga mata namin. Mabilis ako nag-iwas ng tingin.

     Sa bawat oras na naandito ako ilan beses ko nahuhuli  si Drigo na nakatingin sa akin. Minsan sinasalubong ko, minsan hindi ko pinapansin.

     Dagdag kasi sa gulo ng isipian ko ang mga titig nya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin o ang gusto nya iparating.

     "Kailangan mo magpaalam sa kanya. Dahil hindi ka pwede basta lumabas dito." Mataray na sabi ni Sena.

      O, ayan umaatake na naman ang babaita. Supalpalin ko na kaya? My badass side raised her right fist. Mula ng dumating ako dito hindi pa ako pinakitaan ng maayos ni Sena.

     "Why?" Tanong ko naman. "Bakit?"

     "Hindi mo ba naiintindihan dayo ka dito. Hindi ka namin kilala. At pinaghahanap ka ng mga Tagapagparusa. Sigurado kapag nakita ka nila malalagay kami lahat sa panganib."

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon