Kabanata 24

21.7K 912 201
                                    

    H/n

Nauna talaga to 😂 guys pasend ulit ako ng picture para sa chapter na ito.

Enjoy 😊.

---

Pareho kami natigilan ni Drigo habang nakatitig sa isat-isa. Nakatakip padin ang kanya mukha habang ako bunyag na bunyag.

      “A-ano ginaga-,” nahinto ako sa pagtatanong ng marinig ko ang boses ni Hipolito sa labas ng pinto.

     Shit bakit andito na sya kaagad?

     Drigo moved fast. Mabilis nya ako hinila papunta sa likod ng makapal na kurtina kulay dark green na nasa gilid ng bintana. Bago pa ako nakapiyok kabig nya na ako papalapit sa katawan nya.

     Nakasandal sya sa pader, nakaharap sa mesa ni Hipolito, habang nakaharap ako sa kanya. Nakaikot ang braso nya sa bewang ko.

      Dikit na dikit ang katawan namin dalawa, sa katunayan nga langhap na langhap ko ang bango nya. Bahagya ako nakatingala dahil ang ka-face to face ko ay balikat at dibdib nya.

     Si flirty side nagwawala na kulang na lang mabali ang katawan sa sobra kilig.

      MY G! My G! Yakap ako ni Drigo. Binatukan sya ni sensible side. Nagtatago kayo, tanga!

     Sinubukan ko lagyan ng konti pagitan ang katawan namin, ngunit muli nya ako kinabig ng bumukas na ang pinto at pumasok si Hipolito kasunod si Marlon na isa din sa kanan kamay nito.

     “Gusto ko mahuli ang traydor, Marlon.” Galit na galit na sabi ni Hipolito.

     Pinandilatan ko si Drigo muntik na ako impit na mapatili ng bigla nya ako iangat  at mas inilapit pa sa kanya. Ang mga paa ko ay nakatuntong na ngayon sa mga paa nya. Alam ko ginawa nya iyon para hindi gaano mahalata na may nagtatago sa likod ng kurtina, pero jusme nag-iiba ang takbo ng isip ko dahil sa ayos namin.

     Ang tigas ng katawan. Ang init. Lalaking-laki. Ramdam na ramdam ko din kung gaano sya kalak-.

     Tumigil ka sa kahalayan mo babae ka. Iyan ang ikakapahamak mo, malandi ka.

      Bingi si flirty side sa mga pinagsasabi ni sensible side. Sa katunanayan ayan na naman iyong x-rated film, nagple-play na naman sa isip ko.

      Goodness kelan pa ako naging mahalay?

     Simula ng makilala mo ito si pogi at yummy pinuno. Sagot ni flirty side.

     Sinubukan ko ulit lumayo ng konti para makapagfocus ako sa nangyayari, hindi padin pumayag si Drigo. Yumuko sya kaya napaiwas ako, kung hindi sigurado magtatama ang mga labi namin.

     “Huwag ka gumalaw Binibini.” Bulong nya sa mismo tenga ko.

     Nakakapanghina ba ang bulong? Para kasi nya hinigop ang lakas ko ng bahagya dumikit ang labi nya sa tenga ko.

     “Opo Ginoo, malaki ang hinala ko na isa si Erick sa mga traydor, inaalam ko na kung sino ang mga kasabwat nya.” Sagot ni Marlon na kinatigil ng kahalayan sa utak ko. Naramdaman siguro ni Drigo ang pagbabago sa akin dahil tinignan nya ako ng nakakunot ang noo.

     “Si Erick? Dalhin nyo sa akin ang lalaking iyon ng walang ingay. Ayoko ko makahalata ang kasabwat nya. Dalhin nyo sa sya sa akin at ipapalasap ko sa kanya ang sakit na sigurado ako hindi nya pa nararanasan. Tignan ko lang kung hindi sya umamin kung sino ang kasabwat nya.” Hipolito said with full of menace.

     Kailangan ko ng mapuntahan si Erick!

     Sinubukan ko ulit na gumalaw, pero mas humigpit ang pagkakahapit sa akin ni Rodrigo.

DayoWhere stories live. Discover now