Kabanata 39

21.5K 954 396
                                    

    "Mary Rayette ikaw ang-," magkakasunod na katok ang narinig namin at nagpahinto sa pagsasalita niya.

     “Drigo? Kamahalan?” Boses ni Pedro.

      Sa umpisa hindi ito pinansin ni Drigo. Sinubukan nya ituloy  ang sinasabi. “Ikaw ang aking-,”

     “Kamahalan. Kailangan nyo lumabas ngayon din.” 

     Nang mapamura ng 'shit' si Drigo. Hindi ko maiwasan na mamangha na naman. Iba talaga ang dating sa akin ng pag-iingles nya.

     Pinatakan niya ako ng halik sa noo bago sya umalis sa ibabaw ko.

     “Ano ang kailangan mo Pedro?” bakas ang inis sa tinig na tanong ni Drigo.

       Napayuko si Pedro. “Paumanhin kamahalan kung naistorbo ko ang iyong pahinga. Narito ang iyong ama nais ka nya makausap."

      Mabilis naman ako tumayo, namumula ang pisngi.

       "Susunod ako, Pedro," sabi ni Drigo.

     Nakita ko ang pagyukod ni Pedro.

  
     Isinarado ng binata ang pinto.

     Alumpihit naman ako.

     "A-aalis na ako," hindi tumitingin na sabi ko.

     Humakbang ako papunta pinto.

     Pumigil ang kamay nya sa braso ko.

     "We will talk later."

      Nganga naman ako. Parang may humahaplos sa kaibuturan ko na hindi ko maintindihan dahil sa paraan ng pagsasalita niya.

      "Ta-tagalog na lang tayo, Pi-pinuno," sinubukan ko hilahin ang braso ko.

     Nang-aasar na tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Why?"

     Wala ako maisagot. Syempre hindi ko sasabihin na nate-turn on ako sa pag-iingles niya.

      "Bakit nagtatanong ka pa? Basta huwag ka na magsalita ng english," asar na sabi ko. Nagtanong pa talaga.

     "But I like this language, Miss."

     Sinamaan ko sya ng tingin. May pakiramdam ako na alam nya ang epekto sa akin ng pagsasalita nya ng banyaga. Nananadya ang lokong hari.

     "Kamahalan, baka nakakalimutan mo naghihintay ang iyong ama sayo," taas ang isang kilay na sabi ko.

     Ngumiti siya sa akin. Bakit parang nagpapacute ang hari?

      “Bitawan mo na ako,”

     Ang lokong hari imbes na bitawan ako yumakap pa. My goodness ang katawan niya. Nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Bahagya pa ako nakikiliti sa mga balahibo roon.

     “Drigo...”

     Ano bang ginagawa niya? Ang init-init na talaga.

     “Drigo, ano ba-,”

    “Halika, ipapakilala kita kay ama.”

     Nagulat ako sa sinabi niya.

     “Ha? Ba-bakit? A-ayoko,” mariin na tanggi ko.

     Pagtanggi na walang pinatunguhan dahil wala ako nagawa. Hindi siya pumayag talaga nakahawak sya sa akin habang nagsusuot siya ng pang-itaas, at ako pa ang pinapili niya ng susuotin.

     Kaya heto ako ngayon, nakaharap sa dating hari at ama ng lalaki mahal ko.

     “Ikaw pala si Rayette.” 

DayoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant