Kabanata 29

20.8K 959 126
                                    

29.

     Ang Araw ng Bathala sa mundo ng Dapit-Hapon ay masaya din.

     Iyong pinging parang  Noche Buena.

     I’m enjoying myself.

     Kahit kasi ang mga alipin at Tagasunod sa grupo ni Drigo a pinasali nya sa kasiyahan.

     Andito ako sa grupo ko. Pagkatapos naming manggaling sa pamilihang-bayan pinili ko lumayo muna kina Drigo medyo inis kasi Tanya. Sinalubong nya kame pagkarating namin.

     “Hindi mo dapat iniiwan ang bisita mo dito Drigo, para lang sumundo ng kung sino-sino.”sabi niya pa. Kasama nya si Sena.

     “Paumanhin Tanya.”

     Inirapan pa ako ng dalawang babae bago nila niyaya palayo sakin si Drigo. Isang tingin naman ang binigay ng binata sakin bago nya ako iniwan.

     Busy din si Drigo, kapag hindi sya kinakausap ng mga bisita nakabakod naman sa kanya sina Tanya at Sena.

     Ako naman ay busy tumulong sa mga gawain at laging kasama ang grupo ko. Ngayon nga habang nag hihintay ng alas-dose, nandito ako sa kanila, umiinom kami ng serbesa habang naghihintay ng mga paputok na sinet-up ng mga kalalakihan.

     Wala kaming mesa, nasa ilalim lang kami ng puno ng mangga ilang metro kung nasaan ang mesa nina Drigo.

     Puro biruan at tawanan pakiramdam ko nga itong grupo ko ang pinakamaingay sa lahat.

     Nakapang-Raye parin ako, sinabihan ko ang grupo ko na lalaki ang ituring sa akin, kahit naman kasi naandito ako sa poder nila Drigo, ayoko mahanap 'nya' ako. Ayoko madamay sina Drigo sa gulo ko.

     “Pinuno ano yan?  Parang kanina mo pa hawak yan.” Sabi ni Arturo na ang tinutukoy ay ang serbesa sa kamay ko.

     “Hindi ah, mauubos na nga.” Inisa lagok ko ang natitira alak at itinaas ang bote paea makita nila na ubos na.

     Sigawan at tawanan ulit.

     Muntik  ko ng maibuga ang inihaw na manok na sinubo ko ng makita ko si Drigo na nakatingin sa gawi namin.
Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

     Ngayon ko lang din naisip, bakit ko sya bibigyan ng ganon klase bracelet, baka kung ano ang isipin nya.

     Gaga, hindi ka ba nakikinig kay Mariya. Hindi porke't ikaw ang nagbigay ikaw na ang kapareha nya, ni wala nga sayo iyong kapares na breacelet diba. H’wag kang assuming.- sita ni sensible sa akin.

     Muli ako inabutan ni Arturo ng serbesa.

      Mabilis ko nilagok. Hindi ako naglalasing ha, nagsasaya lang ako kasi pasko este araw ng Bathala ngayon.

     Talaga? Hindi ba dahil kanina pa sweet-sweetan si Tanya kay Drigo. Halos hindi na nga sila naghihiwalay diba.

      Itong si sensible side hindi ko maintindihan. Kapag lagi si Drigo ang iniisip ko lagi sya kontra. Umasa lang ako, lagi nya sinasampal sakin iyong katotohanan, ngayon naman parang gusto nya ipagduldolan sakin na si Rodrigo ang dahil ng pagkaganito ko.

     Tumungga ako at muli napatingin sa gawi ng binata.

     Muntik na naman lumabas sa ilong ko itong iniinom ko ng magtama na naman ang mga mata namin.

     Salubong ang kilay nya na parang may hindi nagugustuhan.

      Tinawag ni Tanya ang pansin nya. Nang ngumiti sya sa babae muli ako napalagok sa iniinom ko.

DayoWhere stories live. Discover now