kabanata 28

20.9K 1K 197
                                    

28.

     Walang pinagbago ang Liwayway, kung ano sila ng umalis ako ganon pa din.
     Ang kaibahan lang, sa bawat kilos ko naandon si Pedro. Lalo na kapag mag-isa ako at wala kasama.

     Tuwang-tuwa grupo ko ng magkita-kita kami. Marami sila mga tanong. Bakit hindi ako dito pumunta sa Liwayway? Bakit hindi ako humingi ng tulong sa kanila? Anong nangyari sakin? Bakit ako magpapanggap na lalaki? Sa mga tanong nila iilan lang ang nasagot ko.

      Ginampanan ko din kung ano ang status ko sa grupo ni Drigo. Ang pagiging isang alipin. Sabagay ng umalis ako dito iyon na talaga ang estado ko.

     Ang sabi ng grupo ko hindi ko kailangan gawin iyon, bilang pinuno ako ng isang grupo, void ang pagiging alipin ko kay Drigo. Lalo pa at  hindi pa namin ginagawa ang sumpa ng katapatan, na pinagtataka ko.

     But like I said, gusto ko makatulong kay Drigo kahit man lang sa ganito paraan.

     Dumating ang kapaskohan, na ang tawag dito ay Araw ng Bathala. Busy ang mga tao sa kampo ni Drigo, lahat ay naghahanda para sa piging mamaya alas-dose.

       Tumutulong ako sa pagtayo ng poste kawayan na kakabitan ng sulo katulong ang grupo ko, nang may makita ako kakilala.

     “Ginoo Crisanto.” Tawag ko gamit ang totoo ko tinig.

     “Binibini? ” sabi niya naman, na tinitignan ako mabuti.

     Mabilis ako lumapit sa kanya.

     “Kumusta ka na Ginoo? Si Aling Imelda?”

     Nagulat ako ng bigla sya lumuhod sa harap ko.

     “A-anong ginagawa mo Gi-ginoo. Tumayo ka dyan.”

     “Iniwan kita at pinabayaan, ngunit kahit ganon kami pa din ng aking ina ang iniisip mo binibini, tama si Drigo kamatayan dapat ang parusa sa akin dahil sa ginawa ko pag-iwan sayo.”

     Pinagtitinginan kami. Halos huminto ang lahat sa ginagawa dahil sa eksena namin.

     “Anong pinagsasabi mo Ginoo? Ano kaparusahan na kamatayan? Dahil sa pag-iwan sakin?”

     “Nararapat lang iyon binibini. Iniwan kita sa kalaban, isang mabigat na kasalanan iyon.” Nakaluhod at nakayuko padin na sabi niya.

     Kunot na kunot ang noo ko. Hinawakan ko ang isang braso nya para itayo sya.

     “Tumayo ka na ginoo, wala ako maintindihan sa sinasabi mo, pero ang sigurado ko wala mali sa ginawa mo.” Pinilit ko sya hinila, dahil sa gulat nya sa paghawak ko sa kanya muntik pa kami matumba dahil gumamit ako ng pwersa sa pag-aakalang kokontra sya.

     Isa pares ng mga kamay ang humawak sa bewang ko para pigilan ang pagtumba namin dalawa.

     “Bakit mo sya kausap Crisanto?” Tanong ni Drigo na hindi inaalis ang kamay sa bewang ko.

     “Paumanhin Drigo.” Si Crisanto na mabilis lumayo at muling lumuhod. “Ligtas na ang Inay naandito na din ang binibini, handa na ako harapin ang kaparusahan ko.”

      Hinarap ko si Drigo. Pamilyar sakin ang eksena ganito.

     “Bakit sya paparusahan?” tanong ko.

      Sa unang pagkakataon mula ng bumalik ako dito kinausap ko sya ng direkta. He stared at me.

     “Iniwan ka nya, sa panahon na dapat pinoprotektahan ka.” Simpleng sagot nya na tila ba iyon na ang sagot sa lahat.

DayoWhere stories live. Discover now