Kabanata 35

21.6K 1K 349
                                    

35.

     Hindi ko alam kung gaano ako  katagal dito sa madilim na lugar. Basta puro sakit lang ang nararamdaman ko.

     Masakit ang buong katawan ko, para akong nabugbog ilan beses na sinubukan ko imulat ang mga mata ko, pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon andito parin ako sa madilim na lugar na ito.

     May pagkakataon na nawawala ang sakit, iyong tila nakalutang lang ako.

     Ngunit mas gusto ko pa na maramdaman ko ang sakit, dahil kapag may sakit may kamalayan ako sa paligid.

      Tulad ng mga unang oras ko dito sa  kadiliman.

     Sa unang minuto tanong ako ng tanong. Ano ba ang nangyari? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko  maimulat ang mga mata ko?

     Sa sumunod na oras naman  bumalik ang lahat sa akin, si Komander Marillo. Ang laban.

     Ang pagtama ng espada at mga palaso sa katawan ko.

     Sa sumunod na oras pa, naririnig ko na sila. Ang mga tao sa paligid, si Drigo.

     Gaano katagal na ba ako dito sa dilim? Ang laban, panalo ba kami? Si Drigo okay lang ba sya?

     Nasagot ang tanong ko ng marinig ko silang nag-uusap.

     “Magdadalawang-araw na Drigo. Wala parin siyang malay. Malala parin ang lagay niya. Hindi natin siya kayang iligtas dito. Tama si Nanay Geneva, kailangan natin siyang ibalik sa mundo niya. Baka doon may pag-asa makaligtas siya."

     Anong ibabalik sa mundo ko? Alam nila kung paano?

     “Tama si Tanya, Drigo. Kung gusto mo siyang mailigtas kailangan natin siyang ibalik sa mundo nila.” Si Sena.

     Ang dalawang ito nakaratay lang ako, gusto na akong ibalik sa mundo ko. Hindi papayag si Drigo. Alam niya na kayang-kaya ko ito.

     Narinig ko ang buntung-hinga niya. Ramdam ko ang paghihirap ni Drigo.

     Kayang-kaya ko ito Pinuno. Gusto kong isigaw iyon. Gusto kong imulat ang mga mata ko.

     "Drigo, hindi maari na bantayan mo lang siya dito. Ang mga plano mo. Ang layunin mo. Nasisira ng lahat dahil sa kanya. Hindi siya para dito Drigo. Hindi siya para sayo."

     Katahimikan.

     Drigo, ayoko. Kaya ko'to. Kayang-kaya ko.

     Ngunit hindi niya naririnig ang sigaw ko.

    “Ihanda niyo ang karwahe, pupunta tayo kay Tandang Mariya.”

     Ano! Teka huwag Drigo kaya ko’to hindi sa ganito lang ako mamatay. Drigo!

     Hinigop ako ng kadiliman, nang muli ang kamalayan ko sa paligid, naramdaman ko nasa karwahe ako

      Kalong ako ni Drigo at hawak-hawak niya ang kamay ko.

     Drigo…

     Nakaramdam ako ng init sa likod ng palad, alam ko ang init na iyon. Hinalikan ni Drigo ang kamay ko.

     “Makakaligtas ka, binibini. Hindi ka makukuha ni Marillo. Hindi ko hahayaan. Hindi ko siya napatay, Mary Rayette. Nakatakas siya, nagbitaw siya ng pangako, kukunin ka niya sa akin. Hindi ako papayag, binibini. Mas nanaisin ko pa na malayo ka sa akin kesa mapasakanya ka.”

     Pero ayokong  iwan ka!  Sigaw ko sa madilim na lugar na hindi naman niya naririnig.

     Bakit hindi ako magising? Bakit hindi ako makaalis dito? Kailangan ko masabi kay Drigo na ayoko. Ayos lang ako, kayang-kaya ko ang lahat ng ito.

DayoWhere stories live. Discover now