Chapter 4: Encounter

1.3K 27 1
                                    


MICCA

Sumapit ang umaga, nakahinga naman ako ng maluwag ng nawala na ang kati sa balikat ko. Nandito ako ngayon sa palengke. Inutusan kasi ako ni Mama.


Habang nakapalibot ay hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa mga naggagandahang mga palamuti para sa buhok.


Naglilibot parin ako hanggang sa nakita ko na ang tindahan na kung saan dun ako bibili. Suking-suki na kami sa tindahang ito.


Matapos ang lahat ay naisipan ko nanamang gumala. Ayoko pang umuwi sa ngayon dahil hindi naman gaano kaimportante ang pinapabili ni Mama.


Maya-maya lang ay may nakita akong nagkukumpulang mga Incantaria.

Nakakapanghinala, kaya nakisali narin ako sa mga ito. Hindi ko man alam ang pangyayare pero nakita ko ang General kasama ang iba pa niyang mga kawal.


“Mare? Ano bang nangyare?”


“Hindi ko rin alam Mare. Biglaan ang mga pangyayare.” rinig kong pag-uusap ng mga tao sa palengke.


Paatras ng paatras ang mga tao dahil sa dumarami narin ang mga taong naki-tsismis.


“Aray nako!” natauhan naman ako nang may nagsalita sa likod ko. Patay, naapakan ko siguro.


“Naku po, pasensya nap—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang napakapamilyar na mukha kahapon.


“Tignan mo nga naman, hanggang dito ba naman ay nakabunggo parin kita? Minamalas pa ba ako?” wika niya pero inirapan ko nalang siya. Masyado siyang maldita, kaya nga ayokong makiusap sa kanya eh.


Siya kasi yung babaeng mataray kahapon. Yung nagsabi ring minamalas din siya? Oo siya yun, simula palang ayoko na sa kanya, sobra na eh.


“Naman, tatalikuran mo pa ako ngayon?” sabi naman niya pero hindi ko siya nilingon. Kakasabi ko pa lang na ayoko siyang makausap, baka puputok ako pag nagkataon eh.


“A-aray!” hiyaw ko nang maramdaman kong nakahawak siya sa braso ko at biglang uminit ang kanyang kamay.


“Huwag mo akong talikuran, may kasalanan ka pa sakin. Kayong anim!” seryoso?! Gusto ko rin siyang ipalipad sa South kung gusto niya eh. Dun nababagay ang kanyang pag-uugali.



“Bitawan mo ako. Baka kung ano pang magawa ko sa’yo pag nagkataon.” pananakot ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong tingin.


Pero bago pa siya makapagsalita ay may nakabangga naman sa’kin. At ang mas masakit pa ay nasa likod niya ang impak ng ulo ko.


“Aray naman!” napalingon kaming dalawa sa likuran ko at nakikita ko nanaman ang isang napakapamilyar na mukha kahapon.


“Oh? Kayo pala.” walang emosyong wika niya nang magkatitigan kaming tatlo, pero matapos non ay hindi naman siya nangialam at napunta ang atensyon niya sa General at ang mga kawal nito. Siya yung babaeng sinabihan kong higante kahapon.


Teka nga? Wag niyong sabihing magkikita nanaman kaming pito ngayon? Bago pa man ako mag-iisip pa ng kung ano ay naaninag agad namin ang tatlong pamilyar na mukha sa di kalayuan. Huh? Kakasabi ko pa nga lang diba?

Nagbabangayan lang din naman silang tatlo sa harapan namin. Pero teka kulang ata ng isa. Hinahanap ko naman siya, at ayun sa hindi kalayuan, inaantok lang itong nakatingin sa’min. Naman! Ano bang meron at parang pinaglaruan ata kami ngayon.


Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now