Chapter 65: The Seek of Revenge

636 16 13
                                    


Chapter dedicated to @LhyselSolano 😊 Hey! Dontcha worry, nababasa ko comments mo.😊

ASHA

"You both seriously need to calm down." sabi ko sa dalawang lalaking kasama ko. Kanina ko pa sila naririnig na napabuntong hininga habang naglalakad kami papasok sa isa sa mga hallway dito sa bahay ni Tita Arya.

Yep. You read it right. Nasa loob na kami ng bahay nina Tita Arya. I'm actually surprised kasi wala man lang kaming nakasalubong ni isang Darker.

Napakatahimik dito sa South, which makes me wonder where are the Darkers around here.

"Any updates up there?" I called on one of the dragons na pinaassign ko to be the watch out from the sky down here.

"Wala pa po kaming nakikita at nararamdaman Mistress."

"I see."

"Asha, shouldn't we be in the Dark Queen's location now? Kanina pa tayo naglalakad lakad dito eh." tanong sakin ni Kian.

I remained my poise. Something's not right here. But if something happens I always have a back up plan.

"I wonder though? Bakit paulit ulit nating nakikita itong statue na ito?" napalingon ako kay Sean na nakaturo sa statue na isang warrior holding a spear.

Kumunot naman ang noo ko. Yeah...I noticed. Lumapit ako sa statue. It does look the same sa mga statue na nadaanan namin.

Baka naman may ganitong statue talaga every corner ng hallway nila.

Inilibot ko nalang ang paningin sa buong hallway. It makes me wonder though. Ano ba ang kapangyarihan ni Tita Arya?

Napakamot ako sa ulo ko. Ang tagal na naming pinag-usapan si Tita Arya pero ni isang pagkakataon hindi ko man lang naitanong kay Ate Eya ang kapangyarihan ng mama niya, o di magtanong kina Tita Elena at Tito Wei.

Oh! Except that I know her ability to read minds by touching your head. Yung lang naman, but the power is what I'm questioning.

"Wala ka pa bang nararamdaman na presensya niya Asha?" tanong sakin ni Kian.

"As of now, wala pa."

"I think let's just keep walking, but we have to be cautious." ani Sean sabay kuha ng kamay ko at nagsimula nanaman kaming maglakad. Sumunod naman si Kian saming dalawa.

Ngunit ilang minuto nanaman kaming naglakad ay nakasalubong nanaman namin ang statue.

"What the?--seriously? This statue again?" singhal ni Kian. Kumunot narin ang noo ko.

Hindi na talaga ito tama. "Sean do you have a knife?"

"None."

"I have." sabi ni Kian. "Can I borrow? May gagawin lang ako." tumango lang siya at binigay sakin ang knife niya.

Lumapit ako sa dingding at umukit ng ekis. Now let's see kung makasalubong nanaman namin ang lugar na ito.

Ibinigay ko pabalik kay Kian ang knife niya. "Tara, maglakad ulit tayo. At kapag nakasalubong nanaman natin iyang statue at makita ang ekis na ito then, something's wrong."

Sumang-ayon naman sila at nagsimula nanaman kaming maglakad.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-isip. I actually have an idea already kung ano itong nangyare samin. But I'm not gonna say it until I confirm it.

Ilang minuto narin kaming naglalakad hanggang sa nakasalubong nanaman namin ang statue. Pero, wala nang ekis ang dingding na nasa gilid nito kung saan ako umukit.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now