Chapter 17: Naia

745 26 5
                                    


ASHA

Hindi ako nagsalita habang nakatingin kay Thea at sa mga kasama ko na nag-uusap tungkol sa dragon ni Thea.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng gubat kung saan nakaramdam ako ng napakalakas na enerhiya.

Kanina ko pa ito naramdaman nung hindi pa kami nakapasok sa gubat nato. Iniinda ko lang ang enerhiyang naramdaman ko.

Since nasa gubat naman kasi kami, at isa akong earth elemental ay malamang sa malamang nasa loob din dito ang dragon ko.

Ibinalik ko ang paningin ko sa mga kasama ko na hanggang ngayon ay nag-uusap pa. Kailan ba sila matatapos? Grabe naman yang mga bunganga nila hindi napagod sa kakasalita. Tss.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong biglang uminit ang tattoo ko sa balikat ko.

"A-ah." daing ko pero mahina lang iyon. Hindi nila iyon narinig.

Hinilot hilot ko pa ang balikat ko, baka sakaling mawala. Nawala naman ito kaya napahinga ako ng malalim.

"Ayos ka lang Asha?" napalingon agad ako kay Micca na nagtanong sakin.

"M-mmhmm." sagot ko at sumimangot naman siya.

"Ang tipid mo nanamang sumagot." sabi nito habang nakasimangot. Kumunot lang ang noo ko sa kanya.

"Ikaw nalang Asha ang wala pang dragon. Saan naman kaya natin mahanap ang dragon mo?" sabi sakin ni Shan.

Gusto ko sanang sabihin na nandito pero yung kaninang malakas na enerhiyang naramdaman ko ay nawala. Lumaki ang mga mata ko at napalingon sa kaliwang bahagi ng gubat.

Bakit...bakit nawala?

"Oh? Anong tinitignan mo diyan?" rinig kong tanong ni Sue pero hindi ko siya pinansin.

Bakit nawala ang malakas na enerhiya kanina? Uminit pa nga ang balikat ko nun eh. B-bakit?

"Oi Asha napano ka na? Ayos ka lang ba talaga?" rinig ko nalang tanong sakin ni Yumi at ngayon ay tulala lang akong napalingon sa direksyon nila.

"A-ayos lang ako." pagsisinungaling ko. Hindi ako maayos. Mukhang mahihirapan akong hanapin ang dragon ko.

"Talaga? Parang hindi eh. Parang...wala ka sa katinuan mo."

"Huh?"

"Oh tignan mo. May nangyare ba sayo? May masakit ba sayo?" alalang tanong ni Yumi pero umiling lang ako sa kanya.

"Ayos lang ako. S-sumakit lang ang ulo ko." pagsisinungaling ko nanaman.

"Talaga? Gusto mo gamutin kita?" sabi ni Thea pero umiling lang din ako sa kanya.

"Hmm...bumalik na tayo sa mga dragon natin?" suhestisyon ni Shan. Malapit narin naman kasi ang pananghalian eh. Sumang-ayon naman kami sa kanya at pinalipad na ni Micca ang dahon para lumabas na kami sa gubat.

Kunot noong lumingon ulit ako pabalik sa kaliwang bahagi ng gubat. Bakit ganon?

~~~~~

"Bumalik na tayo sa bundok nina Laxus para gamutin ni Hera ang kaibigan nila." rinig kong sabi ni Shan pero ako ay nanatili paring nakatulala. Nakatulala sa gubat.

Nakakunot parin ang noo ko. Bakit kasi ganon ang nangyari? Sinubukan ko uling pakiramdaman ang paligid pero, wala. Wala akong naramdaman.

I'm starting to think that this dragon of mine is hard to find. Since every corner of the Land is mostly earth elemental.

Saang posibleng lugar ang pwede ko siyang mahanap?

"Asha?"

"Ah!" gulat kong sabi at mabilis na napalingon sa likuran ko. Si Thea pala.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now