Chapter 20: Morning Attack

859 30 0
                                    


THEA

"Are you serious?"

Tanong ng reyna nang sinabi namin sa kanya ang tungkol sa threat. Tinanguan lang namin siya at agad naman kumunot ang noo nito.

"Anong meron?"

Agad napunta kay Prinsipe Nil ang atensyon namin na ngayo'y kakapasok lang nito sa grand hall kung saan nakaupo ang reyna sa kanyang trono.

Nilapitan niya ang kanyang Ina na ngayo'y mukhang may iniisip.
"Anong nangyare kay Ina?"

Nagkatinginan pa kaming pito bago naisipan ni Yumi na sagutin siya.

"Kagagaling lang namin sa gubat. At, nagkita nanaman kami nung babaeng nakaitim at may kasama. Dun namin nalaman na mga Darkers pala sila. Binigyan nila kami ng threat na, aatake raw sila. Pwedeng hindi ngayon, pero baka sa mga sumusunod na araw."

Agad kumunot ang noo ng prinsipe saka naman nilingon ang kanyang ina. Alam ko, maski ako hindi ko alam kung anong posibleng gawin lalo na't binigyan na kami ng babala. Naintindihan ko ang reaksyon ng reyna ngayon.

"Ma." ang tanging masabi lang nito. Natauhan naman ang reyna at inangat ang paningin sa anak nito.

"C-can I have a talk with you? Alone?" sabi nito sa prinsipe. "Of course." sagot naman nito.

Napatingin naman ang reyna sa gawi namin kaya nagtaka naman ako. Lalong lalo na't na kay Asha ang paningin niya.

"Including you Asha. Can I talk to you and my son? Alone?" sabi nito.

"Uh...s-sige po." hindi naman magawang umangal ni Asha.

"Will you please excuse us?" tanong ng reyna at tumango naman kami bago umalis sa grand hall.

At heto kami ngayon naghintay sa kanila sa labas.

"Alam niyo? Pakiramdam ko parang paboritong Guardian ni Reyna Elena si Asha eh. Tingin niyo?" basag ni Luna sa katahimikan.

"Tingin ko rin."

"Parang seryoso ang pag-uusapan nila ah?" singit ni Micca.

"Kung seryoso eh sana kasali tayo. Ano pa't nagiging guardians tayo diba?" sabi ni Luna.

"Siguro naman ay kani-kanila lang talaga iyon." singit naman ni Shan. "Eh hindi naman kasi natin alam kung anong pag-uusapan nila. Tsaka kung may plano naman kasi ang reyna eh sasabihin niya satin at kay General Hyo ang plano niya diba? Kaya huwag nga kayong mag-isip ng ganyan." dagdag pa nito at natahimik nalang ulit kami at ipinagpatuloy ang paghintay namin sa kanila.

Isang oras kaming naghintay. Hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwal nito si Asha na ngayo'y...walang kaemo-emosyon.

Kung dati ay wala na talagang emosyon ang mukha niya. Ngayon ay mas lumala. Masyado ng cold ang expression niya.

Anong nangyare?

"Oh Asha?" bati ko pero hindi niya kami tinignan at agad umalis.

Ay??

"Luh? Anyare dun?" sabi ni Micca tapos tumabi sa akin.

"Hindi ko alam. Parang...parang wala siya sa sarili niya eh." sagot ko habang nakatingin sa papalayong Asha.

Napalingon kami sa pinto ng grand hall nang iniluwal nito ang prinsipe kasama na ang reyna.

"Maaari na kayong umalis." sabi ng reyna. Nagsitanguan nalang kami bago umalis.

Pero habang naglalakad ay puro katanungan lang ang bumabagabag sa isip ko.

● ● ●

Hera, ano sa tingin mo ang nangyare?

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now