Chapter 43: Confession

753 29 1
                                    

EYA

Kakatapos ko lang maligo kaya bumaba na ako galing sa kwarto ko at pumuntang kusina.

Walang klase ngayon kasi may national holiday dito sa Pilipinas, yung National Heroes Day. Kaya feeling free ako ngayon. Hahaha.

Pagdating ko sa kusina ay nahinto ako nang makita ang prinsipe na nagluluto.

OO! NAGLULUTO!!!

Napansin siguro niya ang presensya ko sa likuran niya, ngayon ay nakatingin na ito sa direksyon ko.

"Oh? Eya! Good morning!" ngiti niyang sabi sakin at napalunok naman ako. Not able to respond to him fast. Ang hot kasi niyang suot suot ang apron na color pink. Gia's apron though.

Bigla bigla nalang nagslow motion ang paningin ko habang nakatitig sa prinsipe na suot suot ang apron ni Gia. Shiittt....bakit ba pinagpala ng kagwapuhan ang lalaking ito?

Akala ko sa palasyo ko lang talaga siya huling makikita. Hindi ko akalaing makikita ko siya ng malapitan.

"Hello? Eya?" natauhan naman ako nang marealize na nasa harap ko na pala ang prinsipe sabay wagayway ng palad nito sa pagmumukha ko para makuha ang atensyon ko.

Namula naman ako sa hiya. Yumuko ako para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko tsaka umalis sa harap niya at pumunta sa water dispenser at pasimpleng uminom ng tubig.

Ano ba Eya! Huhuhu...huwag mong ipahiya ang sarili mooo! Prinsipe pa naman ang kaharap mo!

Pero duhhh...prinsesa din kaya ako. My mother is a queen too.

Pero lumayas ako. I don't know if I am worthy of the title Dark Princess anymore. I abandoned my own home.

Inilapag ko na ang baso at napahinga ng malalim tapos umiling.

Lumingon nalang ako sa gawi ng prinsipe. Nakita ko siyang inilapag ang niluto niyang ulam sa mesa tapos tinanggal na ang apron na suot suot niya't isinampay ito sa lalagyan.

He looks adorable wearing that apron. Ghaaddd.

Napatingin naman ang prinsipe sakin at nagulat naman ako. Shit! Nakatitig nanaman kasi ako sa kanya.

"Ayos ka lang Eya? You've been spacing out." aniya at hiya akong napangiti sa kanya.

Ano ba Eya? Dapat chill ka lang okay? Diba motto mo yan.

Tumikhim ako. "Oo ayos lang ako. Nauuhaw lang kasi ako." sagot ko sa kanya.

"Ah...okay." sabi niya.

Saka ko lang din narealize. "Nasaan sina Gia at Lyn? Diba sila minsan ang magluluto ng agahan?" tanong ko sa kanya.

"Ah...hahaha. Nagvolunteer ako. Tsaka paubos din naman kasi ang stock sa ref kaya naggrocery sila kasama si Lee na nagdadrive sa kanila papuntang mall." sagot niya at napatango tango naman ako at lumapit sa mesa para tignan ang ulam na niluto niya.

"Uhh...I...I hope you like them." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. Kamot kamot niya ang batok niya. Which I find it more adorable.

Ngiti kong ibinalik ang paningin ko sa mga ulam at natawa.

"I love them." diretso kong sabi sa kanya. Inangat naman niya ang paningin niya sakin. "You do?" tanong niya at tawa naman akong tinanguan siya.

"I...uhm...ano kasi, first time kong magluto ng ako lang kaya kinakabahan ako." sabi niya at mas natawa ako.

"Seriously Prince Nil. Frying a fish is sooo easy." tawa kong sabi sa kanya.

"Frying is the only thing I know. Hindi naman kasi ako nagluluto sa palasyo kasi may tagaluto sa amin doon."

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now