Chapter 33: Agency

726 24 0
                                    

MICCA

"Wooh! Go Thea! Hahahaha!" hiyaw ni Yumi.

"Kembot lang Shan! Hahaha!" sigaw naman ni Sue.

"Ano ba'yan! Kumembot ka naman Lunaaa!" pang-aasar ko kay Luna. Hahahaha! Gustong gusto ko talagang inaasar yang babaeng iyan.

Mabuti lang talaga at hindi kami kasali sa mga ganyan.

Nandito kami sa gym ng paaralan. Since uwian na naman kasi ay dumiretso na kami ni Yumi at Sue sa gym para hintayin ang tatlo.

Si Asha naman, ewan kung saan nagsusuot yung babaeng yun. Siguro nauna nang pumunta sa office. Simula kasi nung nakipag-usap sina Chad samin dun sa canteen ay iniwan na niya kami.

Tsaka kung sakaling gusto niyang bumalik sa Ms. Intrams eh wala naman siya dito sa gym.

Ay bahala na siya.

Hinintay lang naming matapos ang rehearsal nila. Hanggang sa matapos na sila ay nagsitayuan na kami ni Yumi at Sue sa upuan at sinalubong sila.

"Ano ba yon Luna! Para kang patay dun kung maglakad!" pang-aasar ko naman sa kanya habang papunta sa kinaroroonan nina Luna.

"Eh kung suntukin kaya kita diyan? Tignan natin kung sinong patay ngayon?" galit niyang sabi at humalakhak naman ako.

"Babbee~" natigil ako sa paghalakhak nang may tumawag na 'babe' na pakanta.

Napalingon kami sa kaliwa at nanduon si Hunter, kasama si Kian palapit samin.

"Peste. Mukhang eto pa yung mapatay ko eh." bulong niya na naririnig naman namin. Kaya napabungisngis naman kami.

Nang tuluyang makalapit ang dalawa samin ay sinalubong muna kami ni Kian.

"Hi ladiesss." masiglang bati nito.

Iniisip ko talagang iba si Kian sa mga kasama nito. Well, si Vince din naman. Tsaka si Ron din. Eh yung si Sean, Jac, etong si Hunter at yung....yung halimaw na Mike nayun! Mga walangya!

Err wait. Bakit napunta sa kanila ang topic?

Ayy! Basta! Naalala ko lang talaga yung ginawa ni Mike sakin. Imbis na iisipin kong ang bait niya dahil siya ang nagsalba sakin nung piso tapos....

Urghh!

"Hi Kian." bati namin sa kanya.

"Buti pa silang magkakaibigan Hunter noh hihintayin nila ang mga kaibigan nila? Eh nasaan na kaya ang mga kaibigan natin." sabi ni Kian at inakbayan si Hunter.

"Psh...di ka na nasanay dun. Maging yung kapatid mo iniwan ka nga eh." sabi ni Hunter. Eto naman kaming mga babae tinitignan at pinakinggan lang sila.

"Sean? Bakit? Saan siya nagpunta?"

"Baka nagtrabaho. Kasama nga niya yung babae eh."

"HA????" hiyaw ni Kian, maging kaming mga babae din eh.

I mean, si Sean ay yung tipong lalaki na tahimik at walang dala dalang babae o nilalapitang babae kahit isa sa skwelahan o maging saang lugar.

Tapos may kasama siyang babae? Nakakapanibago lang.

"Since when?" tanong ni Kian.

"Kanina lang." sagot naman ni Hunter.

Kami naman ay pabalik balik lang ang tingin sa dalawa. Kasi parehas lang din naman kami ng tanong ni Kian eh.

"Sinong babae ang tinutukoy mo?"

"Hindi ko maalala ang pangalan niya. Basta yung tahimik din. Yung katabi niya."

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now