Chapter 36: Presentation

696 20 0
                                    


URGENT! PLEASE READ!

Guys. When you see this three asterisks ( *** ) before the story or anywhere sa every chapter, it means na third person's pov ito. Or let's say si author na ang nagnarrate. 😊

That's all folks!


***

Naghahanap si Luna ng mga sports attire sa sports section nang biglang may sumigaw.

"Luna babe!!!"

Napapikit ng mariin si Luna nang marinig niya ang pangalan niya galing sa bunganga ng kinaiinisan niyang tao. Hunter Mendez.

Tinirikan niya lang ito ng mata si Hunter pero nginitian lang siya ni Hunter ng nakakaloko.

"Ba't naparito ka babe? Namimiss mo'ko?" nanginginig ang katawan ni Luna sa diri. Mataman niyang tinignan si Hunter sa mata.

"Hunter, huwag mong ibaliktad ang sitwasyon. Mas namiss mo pa ako eh." ngiting plastik nitong sabi sa kanya. Well, she's just playing with him too. Alam niyang laro laro lang ni Hunter ito o di kaya sinusubukan siyang mainis. Inisip niya sa sarili niya na kapag sinasabayan niya lang ito ay makikita niya kung sino ang unang bibigay sa kanilang dalawa.

"Owsss..." ang tanging masabi lang nito kasi hindi inakala ni Hunter na susumbat din ito. Hindi niya lang iyon inisip at inakbayan si Luna.

"Okay sige. Namiss nga kita. Kaya dapat dito ka lang sa tabi ko para hindi kita mamimiss. Huwag kang aalis sa tabi ko ah?" ngiting aso nitong sabi kay Luna at si Luna naman ay napanganga.

"Aba't hindi rin nagpapatalo ang isang Hunter Mendez!" sigaw ni Luna sa isip niya at rinig naman niya ang mahinang tawa ng dragon nitong si Faro.

"Grabe ka Hunter. Nandito na nga ako oh." ngiting sabi ni Luna sabay hawak nito sa kanang pisngi ni Hunter. Luna saw that Hunter tensed up kaya napangiti naman ito ng masama sa isip nito.

"Huwag kang mag-alala Hunter babe. Kahit dalhin mo pa ako sa bahay mo. Kahit itabi mo pa ako sa kama mo, hinding hindi kita iiwan." matamis na ngiti ang ipinakita ni Luna kay Hunter. Si Hunter naman ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Luna.

May kung anong kiliti ang namumuo sa tiyan nito. Pero ininda lang ito ni Hunter. Kaya lang napaisip ito sa sinabi ni Luna. Hindi niya mapigilang ngumiti. Dream din kasi niyang makatabi si Luna sa kama. Playboy din talaga.

"T-talaga." utal nitong sabi. Grabe kasi makatitig si Luna sa mukha niya. Hindi tuloy maialis ni Hunter ang paningin niya kay Luna.

"Oo naman." ngiti paring sabi ni Luna kaya nakaramdam naman ng saya si Hunter. Kaya lang yung palad ni Luna na nasa kanang pisngi ni Hunter ay kumilos at nakatanggap agad si Hunter ng batok.

"Ahh---peste!" daing nito.

"At ang kapal din ng mukha mo noh? Naniniwala ka dun? As if naman sasama ako sayo! Napakababaero mo!" at umalis si Luna sa harapan ni Hunter na hanggang ngayon ay napahimas sa ulo nito.

"Fucking bullshit! Peste! Agh! Damn it!" daing ni Hunter sa sakit. Ang lakas kasi ng batok ni Luna. Di niya mapigilang magmura sa sakit.

"Pre? Anong nangyare sayo?" bungad ni Jac sa kanya.

"Shit pare! Binatukan ako ni Luna. Malakas pa! Baka mabobo ako nito!" hiyaw ni Hunter.

"Pshh. Mabuti nga't batok lang iyan eh. Paano kung sinipa pa iyang pinakaini-ingatan mong hotdog and eggs? Wala! Ulam na iyan." tawang saad ni Jac.

"Peste ka Jac. Umalis ka sa harapan ko, baka masipa pa kita diyan!"

Tawang umalis si Jac sa lugar na iyon. Habang natawa ay nakasalubong naman ni Jac si Yumi, na ngayo'y nagtaka kung bakit ito natawa. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ni Jac.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now