Chapter 46: Game

735 23 1
                                    

I want to dedicate this chapter to @ArcalapCasas143. Thank you for your compliment and for the flood votes.😘

SUE

Ilang buwan na ang lumipas at malapit na ang buwan ng kapaskuhan, Disyembre. At mukhang ito ang pinakaunang pagkakataon na magcecelebrate kami ng pasko ng hindi makakasama ang mga pamilya namin.

"Ahhhhuhuhuhu!" hiyaw ni Luna at humiga sa bench.

Nga pala, nandito kami sa likod ng paaralan. Yung may malaking garden at tsaka may mga bench.

Nagmemeeting kasi ang mga teachers and staff kaya feeling free kami ngayon. Halos lahat nga ng mga estudyante ay nandito oh di kaya nasa canteen ang mga yon o sa gym.

"Luna! Ano ba, umayos ka nga!" saway si Micca kay Luna tas hinampas pa ang paa nito.

"Ayoko! Nakakapagod ughh! Gusto kong matulog!" hiyaw parin nito. Gusto ko namang tumawa. Ewan ko kung bakit naging ganito si Luna.

"Edi matulog ka sa damuhan! Huwag dito sa mesa! Para kang letchon na siniserve!" napabangon naman si Luna sa pagkakahiga at agad sinapak si Micca.

"Ikaw ha kanina ka pa! Matutuluyan ka talaga sakin."

"Oh oh oh? Subukan niyong mag-away matutuluyan ko rin kayo." singit ni Yumi.

"Eh itong hanging ito eh. Ang ingay!"

"Aba sinong maingay sating dalawa?!"

"Kayong dalawa ang maingay!" sabad ni Asha na nagbabasa lang ng libro sa gilid at natawa naman kaming lahat maliban kina Luna at Micca na nakasimangot.

Sa ilang buwan nang nakalipas? Our friendship grew and we are able to understand each other now. We would never have this kind of friendship if we haven't met in the first place. Akala ko nung unang kita palang namin ay isang malaking gulo ang magaganap kapag magkasama kaming pito. Hindi ko alam na mahahantong pala talaga sa ganito.

The prophecy does knows what's up to.

"Asha nakakasakit ka ng damdamin!" hiyaw ni Micca. Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Asha. "Mali ba ako?" nagdadalawang isip tuloy si Micca sa kung anong isasagot niya kaya natawa nalang ulit kami maliban sa tatlo. Sumimangot lang ang dalawa at si Asha naman ay ngising napailing iling tapos ibinalik ang atensyon sa libro. She's really a book lover.

"Kung alam ko lang sana na may meeting pala sila ngayon edi sana nagdala na ako ng malong para ilatag sa damuhan at hihigaan natin." sabi ko. Inaantok narin kasi ako. Well, maantukin akong tao depende kung bored haha.

"Kasya ba tayo sa malong mo?" tanong ni Luna.

"Kung hindi tayo kasya sa malong ko, abay paalisin kita. Problema ba yun?" sagot ko sa kanya. At natawa nalang ako nang makitang nakakunot ang noo nito. Ang sarap nga talagang asarin tung si Luna. Pikon talaga.

Akmang sasapakin ako ni Luna nang may humawak sa braso nito. "Wooppss. Luna babe masamang manakit ng kapwa."

Sino pa ba? Iisang tao lang naman ang tatawag kay Luna ng 'Luna babe'. At ito ay si Hunter.

"Kung ikaw kaya sapakin ko?!"

"Masama ring manakit ng gwapo." tumaas ang kilay ni Luna. "Eh ano naman? Hindi ka naman gwapo kaya sasapakin na kita."

"Wooooohhh!!!" nabigla kami dahil may humiyaw sa may gilid. And it happens to be the other members of Aces. "Dude! That was nasty!" tawang hiyaw ni Mike.

"Ano pre kaya pa? Kaya pa?"

Lumingon si Hunter sa mga kasama niya at madramang hinaplos ang dibdib nito. "Masakit pre. Nasasaktan ako." akto nitong nasasaktan tsaka binitawan ang braso ni Luna. Lumapit naman ang mga kasama nito sa kanya.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now