Chapter 29: Teams

772 19 3
                                    

YUMI

Napangiwi ako nang maalala ko ulit ang magjowang nagyakapan kanina. Sino pa bang magjowa? Edi sina Jac at Erin. Mga malalandeee! Pwe!

*click*

(O__O)?!

Napalingon ako sa kanan nang dun nanggaling ang tunog na capture sa cellphone.

"SHAN BURAHIN MO IYAN!!!" sigaw ko nang makitang si Shan ang may kagagawan nun at tumakbo pa ang loko sa kusina. Sinunod ko naman.

Nakauwi narin kasi kami eh.

"AYOKO NGA! MUKHA KANG BULLDOG DITO EH! HAHAHAHA!" halakhak niya.

"BURAHIN MO IYAN KUNG AYAW MONG AKO ANG BUBURA SAYO!" sigaw ko.

"SUBUKAN MO LANG, ISANG PITIK KA LANG SAKIN!" sagot naman niya. Peste! Porket specialty niya ang electricity?!

"Woah woah woah anong meron?" singit bigla ni Sue.

"Yang si Shan oh!"

"Oh bakit? Anong ginawa mo Shan?" tanong ni Sue kay Shan na nakapamewang. Kung tutuusin ay parang magkapatid kami ni Shan na nag-away at nanay namin si Sue.

"Pinicturan ko lang naman siya eh. Ppfft..." pigil tawa niyang sabi.

"Oh? Eh pinicturan ka lang naman pala eh. Anong masama don?" tanong naman sakin ni Sue at nakapamewang parin.

"Eh ang pangit ko dun eh!"

"Ganun ba? Patingin!" excite na sabi ni Sue at tumabi kay Shan para makita ang larawan.

Ang galing~

At narinig kong nagtawanan sila. Napasimangot tuloy akong nakatingin sa kanila.

"Alam mo bang matagal na naming pinangarap ni Shan na kunin ka ng litratong ganito? Hahahaha. Ang baby face mo kasi Yumi eh."

Eh? So pinangarap talaga nila akong kunin ng pangit na litrato?!

"Si Asha nalang ang wala." hagikhik nilang dalawa. Naging malapit narin yang dalawang iyan ah?

"So balak niyong dalawa na kunin kaming lima ng pangit na litrato?"

Tawa at tango lang ang sinagot nila.

"Psshh...ang babaw ng kaligayahan niyong dalawa." nasabi ko nalang at bumalik sa pwesto ko kanina.

Saka naman bumaba si Asha dala dala ang libro.

Nga pala, hindi pa ako nakapasok sa kwarto niya sa attic. Ano kayang itsura ng kwarto niya? Nakapasok narin kasi ako sa kwarto ng iba. Sa kanya lang hindi.

But anywaysss!

"Hi Asha! Ano iyang binabasa mo?"

"Novel." tipid nitong sagot.

"Ahh..."

Hindi ko na alam ang susunod na sasabihin ko kay Asha kaya tumahimik nalang ako. Kaya lang binasag naman niya.

"Nasaan pala ang iba?"

"Ah...siguro nasa labas. Star gazing daw sabi ni Ate Lyn."

"Talaga? Bakit hindi ka sumama sa kanila? Masaya yon." sabi niya pero nakatuon parin ang atensyon sa libro.

"Hindi lang." sagot ko. Tinatamad akong tumingin sa langit ngayon. Tsaka nabibitter pa ako sa magjowa kanina.

"Okay." sabi niya at tumahimik naman ang atmosphere. At dahil wala akong magawa ay tinawag ko nalang si Ace.

Hindi naman nagtagal ay isang maliit na dragon ang dumapo sa kandungan ko. Hindi siya nag-ibang hayop, he's just changing his size.

"Saan ka galing?" tanong ko dito sabay himas sa balat nito.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें