Chapter 9: Maze

852 29 3
                                    


SHAN

Buong maghapon ay ensayo lang kami ng ensayo. Hindi naman siya ganon kahirap, hindi naman gaano kadali. Yung medyo lang.

"Shan! You gotta concentrate!" sigaw ni Ginoong Wei. Single battle daw kasi ito. Natapos na sina Asha, Luna sina...ah silang lahat maliban sakin.

Pinaupo kasi kami sa isang upuan sa gitna ng malaking Hall at ipapapikit pa ang mga mata namin at pakiramdaman ang paligid namin. Senses nga daw kasi namin ang iensayo.

Pumikit ulit ako at pinakiramdaman ang paligid ko. May sugat na nga ako sa pisngi ko eh. Langya naman kasi itong si Ginoong Wei!

"Pakiramdaman mo ulit ang paligid mo Shan. Concentrate, feel the tension around you."

This time, nagconcentrate na talaga ako.

Ramdam ko ang matulis na bagay sa kanan ko kaya nagawa ko itong kunin. Oo nga pala. Ang naghahagis ng mga matutulis na bagay ay silang anim. Oo silang anim at alam kong kilala niyo na sila. Si Ginoong Wei nga lang ay nakaupo at pinanood kami.

"Good catch. Now, concentrate again. " nakakatulong naman yung sinasabi ni Ginoong Wei sakin kaya nakapagfocus naman ako kahit papaano.

Rinig ko ang hakbang sa kaliwa ko at alam kong maya-maya ay hahagisan ako nito kaya inihanda ko na ang sarili ko. At ganun nga, nahuli ko ang matulis na bagay na inihagis nito sa akin.

Sunod sunod na ang paghagis nila sa akin pero hindi ako nagpapaapi. Kaya sa huli, nagawa kong hulihin at iwasan ang mga matutulis na bagay hanggang sa nagsalita si Ginoong Wei, "Tigil na."

Binuksan ko na ang mga mata ko.

"Mabuti. Ang dali niyong lahat matuto. Tama nga si Elena na ang bilis niyong matutong mga Guardians." ngiting sabi nito samin.

Hindi ko mapigilang maiyak sa saya. Maging si Sue na pakiramdam niya mahihirapan siya ay parang maiyak sa saya. Mabuti nga't kinaya niya ang ensayo eh. Wala lang din talaga siyang tiwala sa sarili niya haha.

"Malapit nang maggabi. Pwede na kayong umuwi. Bukas naman ulit." napangiti naman kami sa magandang balita at mabilis na pinulot ang mga gamit namin bago umuwi.

Magkasama kaming pitong lumabas.

"Ahh! Ang saya ko nang malamang pasado tayo sa unang ensayo natin!" tili ni Thea at napangiti naman kami sa inasta niya. Maliban kay Luna na uminom ng tubig at si Asha na nakayuko.

Ah, speaking of Asha.

"Asha, ba't pala nahuli ka ng ilang minuto kaninang tanghali?" tanong ko.

"Hmm...nothing. Masama bang mahuli ng ilang minuto?"

Yung nagtanong ka ta's tinanong ka naman pabalik. Grabe! Ang saya! Haha. Pero ayoko ng magreklamo. Hahaha, si Asha yata to!

"Hmm...h-hindi naman. Hehe." tumango lang ito at yumuko uli.

Tahimik kaming naglakad hanggang sa biglang nagsalita si Asha.

"Dito na ako dadaan. Paalam sa inyo." sabi nito at mabilis na naglakad sa daan dun sa kanan. Sa paglalakad hanggang sa tumakbo na siya. Hmm? Nagmamadali?

"Anyare dun? Iniiwasan ba tayo?" tanong ni Micca habang nakatingin sa tumatakbong Asha.

"Hayy naku, alam ko namang iniiwasan tayo nun. Tsk!" napalingon kami kay Luna.

"Sigurado ka? Iniiwasan ba talaga tayo nun?" tanong naman ni Sue.

"Oo kaya! Tignan mo, yuko ng yuko, tipid magsalita, tapos umalis. Eh ano pa bang ibig sabihin dun? Edi iniiwasan tayo!"

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now