Epilogue

922 23 0
                                    

I just wanted to say, do not try to silip silip this last part kasi maspoil kayoooo! HAHAHA!

Anyway. You've reached the last part. This is the last chapter of Draco Incantare Land: The Guardians Mission.

And I just wanna say thank you sa lahat ng suporta ninyo sa story kong ito. Thank you for making me smile while reading your comments, for those who added this story to their reading lists and for voting this story.

Hokiii~~~ eto na ang epilogue. Enjoyii~

=======

***

Mabilis na nagsitakbuhan ang lahat sa loob ng maamong gubat. Kahit na nakakatakot ang atmosphere sa loob ay wala silang pakealam, especially Sean. Mapunta lang nila ang lungga ng soul dragon.

"Airo, have you talked to Naia?" tanong ni Micca sa dragon nito. Nasa labas kasi ang mga dragon nila sa maamong gubat naghintay kaya nagsitakbuhan lang sila sa loob ng maamong gubat patungo sa lungga ng soul dragon.

"Hindi po. Ever since Asha died, she's nowhere to be found and cannot be mind linked."

Pinunas ni Micca ang luha niya habang tumatakbo. "S-sinubukan mo ba siyang tawagin ulit?"

Airo just growled at Micca.

"Malapit na tayo!" sigaw ni Lyn.

Pinaghalong saya at pag-asa ang nararamdaman nila. Isang minuto lang ang itinagal nila at nakaharap na nila ngayon ang entrada ng lungga ng soul dragon.

All of them gulped bago pumasok.

"Now don't try to make a fuzz. Last time we almost got eaten kasi biglaan nalang kaming pumasok. If it wasn't for Naia that time eh matagal na kaming patay dahil nakain na kami." sabi ni Lee kaya kinabahan naman sila.

They're going to face the legendary dragon kaya dapat maging maingat sila.

Hawak kamay silang naglalakad papasok hanggang sa tuluyan na silang nasa loob.

Agad umawang ang mga labi nila nang makita ang malaparaiso na lugar ng soul dragon.

"Man I like the lights in here." manghang sabi ni Hunter at akmang hahawakan ang isang mushroom na umiilaw ng light green.

"Huwag mong hawakan iyan Hunter. We don't know what will happen." sabi ng Prinsipe kay Hunter. Mabilis namang binawi ni Hunter ang kamay nito.

"A-ano nang gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Thea.

"Hahanapin natin ang soul dragon." sabi ni Eya.

"P-pero nasaan siya?" tanong ni Vince na inilibot ang paligid sa loob. "I don't see any dragons."

"Maybe we should look around." suhestisyon ni Gia. Sumang-ayon naman ang lahat at naghiwa hiwalay.

Marami kasing mga daanan sa loob kaya mukhang mahihirapan sila.

Naglalakad sina Thea at Yumi sa ibang daanan hanggang sa may sumulpot na maliit na umiilaw na dragon sa harapan nila.

"WAAAAAHHHH!!!" sigaw ng dalawa sa gulat at takot narin.

"Thea??!" rinig nilang sigaw ni Shan sa ibang daanan.

"Diyos ko po, diyos ko po akala ko kung ano na!" magkasabay na sabi nina Yumi habang nagyakapan, saka naman nagsidatingan ang mga kasama nila.

"Anong problema?" humahangos na tanong nila.

"W-wala. Nagulat lang kami kasi bigla ba namang sumulpot itong cute na dragon sa harap namin! Akala namin multo o di kayay kaluluwa kasi umiilaw." halos naiiyak sa kabang sabi ni Yumi.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now