Chapter 32: Cousins

786 23 0
                                    

LUNA

"Step, step, step, then forward and back! Then turn! And walk, walk, walk, go to the side, pose! Then go to the other side, pose again!"

Palihim akong napairap sa baklang nagsisigaw sigaw ng step. Nakakairita ang boses. Oh baka nairita lang talaga ako dahil nasali ako sa pageant na ito.

Ay hindi. Naiinis ako sa partner ko! Bwiset!

"Walk to the front then pose! Then go to your partner!"

Ughhh! Kakasabi ko palang na naiinis ako sa partner ko. Palihim nanaman akong napairap habang naglalakad papunta sa partner kong hanggang ngayon ay parang isang maniyakis kung makangisi.

Sunugin ko yang mukha niya eh. Peste!

"Walk to your partner then pose together!"

Pahamak talaga tung baklang to. Kung anong sinasuggest huhuhu. Ayokong dumikit sa mokong natu.

"Hi babe."

(-_-)!!!!!

"Anong magandang pose? Ah! Alam ko na. Kung i-bridal style kaya kita?"

(O_O)❗❗❗❗❗❗❗❗

"Subukan mo lang kundi patay ka sakin!"

"Matagal na akong patay sayo." sabi niya at kinindatan pa ako.

"Beh! Pose kayo ni pogi, ano ba!"

Napalingon kami sa bakla na nag-instruct sa amin na ngayo'y nakapamewang habang hinihintay kami ni Hunter na magpose kuno.

"Hoy! Hindi ito staring contest! Pose na dali! May iba pang candidates!" sabi nito.

Nagulat nalang ako nang hinila ako ni Hunter at nakahawak ito sa bewang ko tsaka nagpose. Namula naman ako.

Wala pang nakagawa nito sakin maging si Aki nga eh.

Hindi nalang ako nagprotesta pa at nagpose nalang din. Pumalakpak naman ang bakla at pinapapunta kami sa backstage. Kaya naglakad kami papuntang backstage pero itong braso ni Hunter hindi parin niya tinanggal sa bewang ko.

Kaya nang tuluyan kaming makapunta sa backstage ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko.

"Awh...ba't mo tinanggal? Nag-enjoy ako eh." pabatang sabi nito at napanguso naman ito. Ngumiwi naman ako. Actually naku kyutan ako sa kanya, pero ayokong ipahalata dahil baka lalaki ang ulo nito.

"Eh? Ano ka, sinuswerte?" bulyaw ko sa kanya.

"Yup. Lalong lalo na sayo." sabi niya at winiwiggle ang kilay nito.

"Pwede ba tigilan mo yang mga banat mo? Nakakairita!" inis kong sabi sa kanya.

"Okay, pa-hug nalang hehe." sabi niya at nag-open arms saka dahan dahang lumapit sakin.

PESTE!!!

"Lumayo ka!"

"Ayoko!" sabi nito at ngumuso habang naglalakad palapit sakin.

"Huwag kang lalapit!"

"Ayoko!"

"Hindi ka bata okay? Umayos ka nga!"

"Hug mo'ko!"

"Tumigil ka nga!"

"No way!"

Hindi ko na nakayanan. Kinuha ko ang doll shoes ko at akmang pukpukin ang ulo niya nang bigla itong lumayo.

"Oh? Sabi mo ayaw mong lumayo. Halika ipukpok ko to sa ulo mong unggoy ka!" sabi ko at ako naman ngayon ang lumapit sa kanya habang iniisa ang doll shoes ko.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now