Chapter 61: Still Not Safe

667 20 0
                                    

ASHA

Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin kina Tito Wei at Ate Eya.

Well how 'bout that? Pinsan ko rin pala si Ate Eya. Uhhh...ang dalawang pinsan ko nagkatuluyan. Wow!

"Please smile a lot." napalingon ako kay Sean na nakangiting nakatingin sakin. "So are you. Please smile a lot." ngiti ko ring sabi sa kanya. Iiling iling naman siyang natawa.

"Huwag kang ngumiti, nakakatunaw." animoy kinikilig nitong sabi.

"Nakiusap kang ngumiti ako palagi tapos ikaw naman itong nagsabing huwag akong ngumiti? Napakagulo mong kausap." tawa kong saad.

He just shrugged at me then snuggled closer to me. Hindi ko rin naman mapigilang kiligin nang niyakap ako nito sa gilid.

One thing I noticed from Sean? He's getting clingier and clingier at me. Ewan ko ba, hindi naman sa naiirita ako. I actually find it cute. Para siyang pusa o bata na nagpapalambing sakin.

I chuckled and hugged him in return at ibinalik ang atensyon sa mga kasama namin na iba na ang pinag-usapan.

Grrr...grrrr...GRRR...Grrr....

Natigilan ako nang may umungol sa isipan ko. It's like it's pushing through my mind to do mind link at me.

"Naia?"

"Po?"

"Ikaw ba to?"

"Anong ako?"

"Ang umungol kani kanina lang."

"Huh? Hindi po bakit?"

"Huh? Eh sino?" parang nagiging weirdo nanaman ang utak ko.

"Anong sino? May kumausap ba sayo?"

"Oo. I mean umuungol lang siya. Parang may gusto siyang sabihin sakin."

"Ahh...siguro may isa sa mga dragon na gustong kumausap sayo."

"Ano? Bakit naman?"

"Hindi ko alam. Subukan mo siyang papasukin sa isip mo."

"Okay..."

Since nandiyan pa naman yung force na gustong pumasok sa isip ko para daw kausapin ako ay binuksan ko nalang din ang isip ko.

"GRRRR MISTRESS!!!"

I immediately flinched! Ang lakas ng sigaw nito. Napakalas ako agad sa yakap namin ni Sean. I know by now he's watching at me. Concerned...

But for now.

"P-pasensya na sa pagsigaw Mistress. Hindi ko lang mapigilan."

"Asha?" alalang tawag sakin ni Sean but I signalled him to keep quiet for a minute. He then obeyed.

"Anong problema?" I calmly asked, parang kinakabahan at natatakot ang tono ng boses nito.

"May nakalap po akong impormasyon." anito at parang naalarma naman ako. As weird as it may seem pero...nang hinirang nila akong mistress nila ay nakiusap sila sakin na bigyan daw sila ng assignments.

I mean, kailangan pa ba?

Tinanong ko nga sa kanila kung kailangan ba. Umoo naman sila, it's like their first task from their new master to honor him or her. Hindi nalang ako nagreklamo since iyon na siguro ang dinaanan nila so yeah...

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now