Chapter 14: Faro and Ace

777 23 1
                                    


LUNA

"WOOOOOHHH!!!" hiyaw ko. Ang saraaaaap ng hangin!!!

"Ang ganda talaga ng tanawin dito sa taas!" hiyaw naman ni Thea.

"Alam na namin yan Thea."

"Yumi ayos ka lang?"

Napalingon naman kami sa gawi ni Yumi. Ayun, parang nasusuka narin.

"A-ayos lang ako. Ayos lang."

"Talaga?" paninigurado ni Shan at sinagot lang ito ni Yumi ng tango.

Ilang sandali lang ay nakikita ko na ang bulkan sa malayo. Pinalibutan pa ito ng bukal na lawa.

Whoaaa! Imposibleng wala ang dragon ko rito.

"Sabi ni Airo ay sa baba ng bulkan lang daw niya tayo ihatid. Hindi niya kakayaning makapunta sa tuktok dahil mainit doon." sabi bigla ni Micca.

"Kung ganon eh si Luna nalang ang mag-isang pupunta sa tuktok?" sabi ni Sue na ikinagulat ko.

"Oh bakit ako lang? Hindi ba kayo sasama?"

"Mainit sa tuktok ng bulkan Luna. At di kami sanay dun. Mabuti sayo dahil Fire Elemental ka at makayanan mo dun sa tuktok ng bulkan." sabi ni Sue.

Napatango nalang ako. Pero kahit man ako lang mag-isa ay kinakailangan ko ng kasama!

"Eh hindi ko kakayaning mag-isa! Kahit isa man lang sa inyo ay maglakas-loob na samahan ako?" ugh!!! Ito ang kauna-unahang pangyayare na nanghihingi ng pabor sa iba. Hindi ako ganito eh. Haha.

"Hindi ko kakayanin." ani Yumi.

"Mainit dun."ani Sue.

"Ayokong pumunta doon. Nakakatakot." ani Thea.

"Kaya mo na dun Luna." Micca.

"Baka di ko rin kakayanin dun. Kaya para siguro ay, hindi na ako sasama." sabi naman ni Shan. Napairap nalang ako. Ang arte naman niya.

"Tss." at iyon ang salitang lumabas sa mumunting bibig ni Asha.

"Psh! Mga wala talaga kayong pake sakin." naibulyaw ko nalang bago maglakad pataas sa bulkan.

"Kaya mo na dun Luna. Malakas ka diba?" rinig kong sigaw ni Micca. Yung babaeng yon talaga napaka-urrghhh!!!

"Oh? Teka Luna sasama si Asha." napalingon naman ako pabalik sa kanila. At kita kong papunta si Asha sa direksyon ko.

Hmm...mabuti nalang at may kasama ako. Bahala na kung si Asha basta lang may kasama ako. Ewan ko lang kung habang maglalakad kami papunta sa tuktok ng bulkan ay tahimik lang kami. Hindi pa naman mahilig magsalita ang babaeng to.

Nagsimula na kaming maglakad. At tama nga ang hinala ko. Anggggg tahimiikkkk!

Ako nalang ang mag-aadjust.

"Uhm...m-mabuti at naisipan mong samahan ako." panimula ko.

"Mmm."

'Mmm'? Yon lang?! Yon lang ang sagot niya sa sinabi ko kanina?!

"Hah! Di talaga ako makapaniwala sayo." sabi ko nalang.

"Ano bang gusto mong sabihin ko sayo?"

"Ang akin lang ay pahabain mo naman iyang mga salita mo. Para akong nakipag-usap sa hayop eh."

"Tss."

"Oh ayan ka nanaman."

"Iwan kita diyan eh."

Natahimik nalang ako. Ewan ko, kung ano kasing mga salita na ilalabas ni Asha sa bibig niya ay talagang diin. Kung anumang sasabihin din niya ay totohanin niya.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now