Chapter 5: First Lesson

1.3K 33 3
                                    


YUMI

Bukas na bukas ay nagising ako ng maaga. Di ko alam kung bakit dahil sa totoo naman talaga ay mga bandang alas dyes ako magising. Pero ngayon naging alas sais na, dahil lang siguro ito sa sinabi ng Mahal na Reyna na maaga kaming mag-ensayo ngayon.


At dahil hindi rin naman ako inaantok masyado ay napagpasyahan ko nang maligo kasi tantsya ko parang ang lagkit-lagkit ko na kasi hindi naman kasi ako nakapaghugas ng katawan bago matulog kasi nakakapagod yung nangyare kahapon.


Matapos magbihis ay bumaba na ako ng hagdan para batiin ang mga magulang kong ngayo’y nagluluto na ng agahan namin.


“Oh? Yumi? Himala at maaga kang nagising!” bago pa ako makapagbati ay naunahan na ako ni Papa.


“Pshh…magandang umaga rin Pa.” sarkastiko kong sabi at hinalikan ang pisngi niya pati narin kay Mama na tutok na tutok sa hinihiwa niyang gulay.


“Bakit nga ba napaaga ang gising mo?”


“Uhm…ewan. Pero hihingan ko sana kayo ng permisyon na aalis ako tuwing umaga at umuwi sa bandang hapon.” nakayuko kong sabi sa kanila.


Rinig kong natigil ang paghiwa ni Mama sa gulay at tantsya kong nakatingin na sila pareho sa’kin, marahil ay nagtataka kung bakit ganun ang sinabi ko.


“Araw-araw ba iyan anak?”


Napaangat ang ulo kong napatingin kay Papa at dahan-dahang tumango. Nabigla ko ata sila, sana pala nung kakain na sana ko sila hingan ng permisyon kaso naisip ko na mabilaukan din sila paghingan ko sila ng permisyon ng biglaan kaya..hihi…wag nalang pala.    

“Bakit parang biglaan ata? Saan ka ba pupunta?”


Napabuntong hininga nalang ako. Kapag kasi tanong ng tanong si Papa ay parang ayaw na niya akong paalisin.


“Sa palasyo po ng Mahal na Reyna.”


Nagsilakihan ang mga mata nilang napatingin sa isa’t-isa at napako nanaman ang tingin nila sakin. May problema ba sa pagpunta ko sa palasyo?


“Eh, ano bang gagawin mo doon? Gusto mo bang maging isang tagapagsilbi ng Reyna?”


“Hindi po Ma.”


“Kung ganon, anong pakay mo doon?”


Haaayy…bakit pa ba ako magpaliwanag? Dapat um-oo nalang sila para matapos na! Tsk, pinapahirapan pa talaga ako. Eh ano pa bang iisipin kong palusot? Ayaw na ayaw pa naman ng Reyna na sabihin ko sa kanila ang pag-eensayo kuno namin doon.


“M-may…pinapagawa lang siya sakin. P-pero huwag kayong mag-alala marami kami. Utos po iyon ng Reyna tsaka eto po oh.” sabi ko sabay bigay sa kanila yung gintong may tatak na simbolo ng Incantare na mismong binigay ng Mahal na Reyna sa’min kahapon.


“Kung sakaling ayaw niyong maniwala pinapabigay niya ito samin at ipakita ito sa inyo para makumbinsi kayo.”



Tinitigan pa nila ng maayos yung ginto at maya-maya ay binigay ulit ito sakin.



“Ang Reyna lang ang tanging may ganyang gintong may tatak na simbolo ng Incantare. Sige, payag kami.” magtatalon-talon sana ako sa tuwa nang bigla niyang inisa ang palad niya sa pagmumukha ko kaya tumahimik nalang ako. “Huwag na huwag kang gagawa ng masasamang bagay doon dahil palasyo iyon Yumi.” tumango nalang ako.



“Oh? Tapusin niyo na yan, kakain na tayo.”



Napalingon nalang kami kay Mama na ngayon lang namin nalaman na tapos na pala siya sa pagluluto.


Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now