Chapter 41: Early Theory

684 26 4
                                    

Heyy~ so i dedicate this chappie to @ziamaindoza. Natuwa lang ako sa last comment niya. 😂 mukhang fan siya ni Luna.😂

LUNA

Balik skwela nanaman at inaantok ako habang nakikinig sa aming guro sa math.

Madali lang naman ang mga subjects nila dito eh. Siguro dahil iba kami, madali lang matuto at may kapangyarihan pa.

Nakatitig lang ako sa guro namin na ang palad ko ay sinuporta ang ulo ko at walang emosyong nakatitig sa guro namin. Unti unti namang babagsak ang mga mata ko.

Umiling ako para matauhan tsaka nag-iba ng posisyon. Ngayon dalawang kamay ko naman ang tinukod ko. Pero humikab naman ako pagkatapos.

Sinampal ko ng mahina ang mukha ko para maalis ang antok pero yung mata ko ay hindi magpapatalo.

"Peste!"

"May problema ka babe?"

Nawala agad ang antok ko nang may nagsalita sa gilid ko. Akala ko patay na'to? Buhay pa pala? Hehe biro lang.

"Wala." walang gana kong sabi.

"Wala? Eh sinampal sampal mo ang sarili mo diyan eh."

"Wala nga."

"Okay sabi mo eh." sabi niya at hindi na siya nagsalita.

Pero bakit ganun? Alam niyo yung sanay ka nang magbangayan kayo palagi? Parang naging daily routine mo na siya. Pero kapag mawala ito ay parang mas kinakailangan mo uling balikan? Kasi nasanay ka na.

Nasanay na akong magbangayan kami ni Hunter. Non stop din kasi yang si Hunter sa pangungulit eh. Kapag tatahimik naman siya ay mabaguhan ako, kaya minsan ako nalang din ang uuna sa pang-aasar sa kanya, tapos sasagot din siya, tapos bangayan nanaman. Parang mga timang lang?

At dahil mukhang nawala narin ang antok ko ay nakikinig nalang ako sa guro namin.

KRIIIIIINNNNNGGGGG!!!!!

Natapos na ang morning subjects namin at heto kami ngayon, nagsiligpit na ng mga gamit at handa ng pumunta sa canteen para maglunch.

Itong katabi ko naman na si Hunter ay ang tahimik. Hindi ko tuloy mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya. Tahimik niyang niligpit ang mga gamit niya tapos dumiretso sa mga kasama nito.

Usually bago siya pumunta sa mga kasama niya ay aasarin pa niya ako ng. 'Bye babe. Huwag kumain ng marami ah? Baka tataba ka.' or usually 'Sige babe happy lunch nalang. Huwag mo kong mamimiss ah?"

Ayyy! Ano namang paki ko? Eh diba dapat masaya na ako kasi hindi na niya ako guguluhin pa?

Umiling nalang ako at pumunta sa mga kasama ko.

"Guys, sorry ngayon ko lang ito nasabi sa inyo." singit ni Asha. Himala din, dumadaldal na siya. Tumataas na ang linya niya.

"Last friday pala ay niyaya ako ni Chad maglunch ngayon." sabi niya at napanganga naman kami.

"Si Chad yung grade 8?" ani Micca, tinanguan naman siya ni Asha.

"Tapos sinabi ko sa kanya na oo, pero may mga kasama ako, kayo yun." sabi niya. Sinundot ko naman ang tagiliran niya.

"Yiee~ concern ka samin? Yiee~" tawa ko at sinamaan naman niya ako ng tingin. Tumawa naman ang iba.

"Asha hindi mo ba inisip na baka lunch date niyo yan? Hahaha!" sabi naman ni Sue.

"Baka makakasabagal pa kami sa inyo eh." tawang sabi ni Shan at nagsitawanan na tuloy kami maliban kay Asha na sumeryoso ang mukha.

Tumikhim nalang kami tapos tumahimik. Baka kasi lilindol kung magkataon.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now