Chapter 22: Adapting

804 22 0
                                    


***

Sumakay sila sa isang van na si Eya na mismo ang nagdrive. Sa front seat naman ay ang prinsipe at sa likod ang mga guardians. And take note, kasama parin ang mga dragon nilang hanggang ngayon ay langaw parin.

Tahimik lang ang naging byahe. Ni isa sa mga guardians ay ayaw umimik kahit na namamangha pa ang mga ito sa paligid.

At dahil malayo layo pa ang byahe nila ay hindi na nakapagtimpi pa si Luna.

"Ang dami namang mga gusali dito." mangha nitong sabi.

Tumawa lang si Eya.
"Ganito sa mundo ng mga tao." sagot naman nito.

"Ganito ba talaga dito? Bukod sa mga hayop ay itong bagay nato na sakay natin ang sasakyan dito?" tanong narin ni Thea.

"Oo. Ang mga hayop ay kadalasang makikita sa probinsya." sagot ni Eya at napatango nalang si Thea.

Marami raming pang tinanong ang mga babae kay Eya maliban kay Asha na tahimik lang at ang prinsipe na walang planong magsalita.

Mas mahirap ang pinagdaanan ng mga ito. Lalong lalo na't tungkol sa pamilya ang parehong problema nila.

Mga isang oras ang byahe nang makarating na sila sa bahay...ay hindi. Tinatawag na itong mansion.

"WOWWWW!" manghang sabi ng anim na guardians.

"Dito po kayo nakatira Ate Eya?"

"Oo. At tsaka hindi lang naman ako ang tao sa mansion eh. May tatlo akong kasama." pagkasabi nun ni Eya ay saka naman nila nakita ang dalawang babae at isang lalaking naglalakad papunta sa direksyon nila.

"Magandang tanghali mga guardians." bati ng isa sa tatlo.

"T-tanghali na pala?" takhang tanong ni Yumi.

"Opo."

"Kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Wala pa pala tayong almusal. Hehe." ani Sue.

"Oh, pumasok muna tayo at mananghalian." sabi nalang ni Eya at hindi naman tumutol ang mga ito at sumunod sa apat papasok ng mansion.

~~~~~

"So, kayo pala ang mga guardians." basag ni Eya sa katahimikan nang magsimula na silang kumain.

Nagsitanguan lang ang pitong guardians.

"Hindi ko akalaing makakita ako ng guardians sa personal." ngiti nanaman nitong sabi.

"Ako po pala si Yumi. Isang Ice Elemental." unang pagpakilala ni Yumi kay Eya.

"Ako rin po pala si Thea. Isang Mids." sunod na pagpakilala ni Thea.

"Ako po si Shan. Light Elemental."

"Ako si Micca. Wind Elemental."

"Luna po pala. Fire Elementalist."

"Ako nga po pala si Sue. Water Elementalist."

"Asha. Earth Elemental." huling pagpakilala ni Asha at pinagpatuloy ang pagkain.

"At palagay ko ikaw ang prinsipe ng Incantare Land?" sabi ni Eya na nakatingin sa prinsipe.

Tinanguan lang siya ng prinsipe. "Ako si Nil."

Napangiti ang anim na guardians. Because for some reasons, they look good together.

"Aw! Aw aw aw!" napayuko sila sa ilalim ng mesa. Only to see seven puppies na tumatahol.

"Oh? And the dragons of course." sabi ni Eya at inutusan ang isa sa mga kasama niya na bigyan sila ng pagkain.

"Ako nga pala si Eya at limang taon na kami ditong naninirahan sa mundo ng mga tao."

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now