Chapter 54: Back from Brazil

660 18 2
                                    


HUNTER

Kaba kong pinasok ang sirang gate ng isang mansion kung saan nakatira sina Dean Eya kasama sina Luna babe.

Nang makapasok sa loob ay sumalubong sa akin ang nagkawatak watak na mansion, fires and big trees everywhere. Meron ding sunog at butas na lupa.

Hindi ko tuloy mapigilan ang nararamdaman ko nang makita ang sirang mansion. My heart's pounding. Luna could be in there, hurt!

"Hunter!" napalingon ako sa likod ko nang makita ang mga kasama ko na tumakbo papalapit sa akin.

"You dumbass, iniwanan mo pa kami dun!" hinihingal na hiyaw ni Jac.

"It's a good thing Mike's father is the police head. Makakapasok tayo sa loob." hingal ding sabi ni Ron.

I just gave them a soft nod.
Then our faces landed on the mansion. Wala nang umimik sa aming pito. Parang nawalan na kami ng boses habang minamasdan ang nagkawatak watak na mansion.

My heart's still pounding so hard it's gonna break my chest.

How do we get here?

I was perfectly fine and comfortable laying in my bed back at home. Tatawagin ko na sana si Luna babe nang biglang tumawag sakin si Jac. And there comes the horrible news.

Mabilis akong lumabas sa kwarto nang nakapajama pa. My parents are not at home kasi busy si mom sa mga shootings niya kahit gabi na, at si dad naman ay nasa business trip kasama ang dad ni Jac.

Habang nagmamaneho sa kotse ay tawag ako ng tawag sa phone ni Luna. But I've got no answer.

And here I am...watching this horrible scene in front of me.

Mabibigat ang hininga akong naglakad papalapit sa mansion. Not minding my friends calling me back.

Papasok na sana ako sa mansion nang may humila sakin pabalik na isang pulis. "Oops. Bata, bawal kang pumasok sa loob. Only the police and investigators are allowed inside for further investigations."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ako bata." matigas kong sabi sa kanya.

Itinaas naman nito ang dalawa nitong kamay. "Okay. Pasensya na kung tinawag kitang bata. Pero bawal ka paring pumasok sa loob." aniya at nag-init naman ang timpla ko.

"Bahay ito ng babe ko and who knows she might be in there, hurt!" hiyaw ko sa pulis.

The police then crossed his arms, looking at me. "Naghanap na kami kanina kung may mga tao ba sa loob na nadaganan ng mga bato. Wala naman kaming nakita."

Nagsalubong agad ang mga kilay ko. "Then why are you investigating?"

"Iniimbestiga namin kung ano ang sanhi ng pagkawatak watak ng mansion. It could be explosions, gas leakings, or any other stuffs that had happened inside the mansion." hindi naman tuloy maipinta ang mukha ko.

Actually, gusto ko siyang inisin para kung miinis siya ay papapasukin na niya ako sa loob. Pero ang gago, nagawa pa talaga niyang sagutin ang mga tanong ko ng pakalma at walang kahira hirap.

Ako pa yata yung nainis sa aming dalawa. Ta's naubusan na ako ng maitatanong, bwiset!

"Officer Ray!"

Napalingon kami sa boses na nanggaling sa likod ko. Sina Mike lang pala.

"Oh? Little Mikey!" hiyaw ng officer at muntik na akong matawa sa pangalang ibinigay nito.

"Uncle naman, hindi na ako bata." aniya at napakunot noo din naman ako nang may marealize ako. Ba't ba ang hilig din nitong officer nato na tawag tawagin kaming bata? Or anything basta bata?

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now