Chapter 27: Link

778 24 0
                                    


***

Balik klase nanaman sila.

Kakatapos lang ng mga subjects nila sa umaga at ngayo'y nasa likod sila ng paaralan kung saan naroon ang mga bench. Sa unahan ng mga bench ay may garden at malalaking mga kahoy at makakapal na bushes at maraming bulaklak. At siyempre may mga bench din doon.

"Nakakabagot naman! Laro tayo!" aya ni Micca matapos magreklamo.

Kunot noo silang napatingin kay Micca.

"Talaga Micca? Nagyaya kang maglaro tayo?" di makapaniwalang tanong ni Sue.

"Eh kakatapos lang nating mananghalian eh." sabi naman ni Shan.

"Grabe kayo. Ngayon nga lang ako nagyaya eh."

"Psh! Maglaro kang mag-isa." sabi ni Luna.

"Sige naaaa! Para advantage dun tayo sa may garden. Maraming malalaking puno doon tas mga makakapal na halaman." yaya parin ni Micca at hinding hindi talaga sila makapaniwalang nagyaya itong maglaro.

"Ayos ka lang ba Micca?" tanong ni Yumi.

"Ano ba. Oo ayos lang ako! Dali na kayo, hindi talaga ako titigil sa kakakulit sa inyo." sabi ni Micca at mas lalong kumunot ang noo nila.

"Wow. Umaasenso ata ang Micca ngayon. Kumukulit!" tawang sabi ni Shan.

"Haayy...sige nalang. Pagbigyan natin si Micca." iling iling na sabi ni Yumi saka tumayo sa pagkakaupo sa bench.

"Mabuti nga lang at si Micca iyang nag-aya eh. Kung si Asha pa ang mag-ayang makipaglaro abay napakalalaking himala ang mangyare." sabi ni Sue at tumawa naman ang iba bago nagsitayuan para pumunta sa garden.

"Ughh! Di talaga ako makapaniwalang maglalaro tayo."

Natawa naman sila sa sinabi ni Luna habang naglalakad sila patungong garden.

~~~~

"Laro tayo ng tagu-taguan!" hiyaw ni Micca nang makarating na sila sa garden.

"Sige kung yan ang gusto mo." sabi ni Yumi at hindi na umangal pa ang iba para matapos na agad itong laro nila.

"Sinong taya?"

"Si Micca dahil siya naman ang nakaisip nito eh." nakapamewang na sabi ni Luna.

Sumang-ayon naman yung iba.

"Hayyyy...sige na nga lang." inis na saad ni Micca na ikinatawa ng iba.

"Sige na magtago na kayo. Umpisahan ko nang magbilang!" hiyaw ni Micca saka humarap sa isang puno at nagsimula ng magbilang.

Mabilis na nagtago yung iba. Nagtago sila sa mga naglalakihang puno, yung iba sa mga nagkakapalang halaman. Pero si Luna ay maiba. Dun siya nagtago sa pinakasulok ng garden.

Mabilis na nagtago si Luna sa makapal na halaman at tumitingin tingin pa sa kinaroroonan ni Micca kung nag-umpisa na ba itong maghanap.

"Hihihi!" hagikhik ni Luna.

Habang naghihintay ay may kumalabit sa balikat niya. Pero hindi niya lang iyon pinansin.

"Ano ba 'yan." bulong nito sa sarili at ginalaw galaw pa ang balikat niya. Iniisip niyang halaman ang gumawa nun.

May kumalabit ulit sa balikat niya pero hinayaan niya ulit ito. Ganun ulit ang nangyare at mukhang naiinis na ito kaya lumingon siya sa likod niya.

(O ____O)!!!

(>_>)

(>_>)

(>_>)

(>_>)                      (0_0)!!!

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now