Chapter 35: Costume

769 24 0
                                    


***

Hingal na lumuhod ang isang Darker sa kanilang Queen na ngayo'y na sa library lang niya't nakaupo lang habang may binabasa itong libro.

"Any news?" ang Queen na niya ang unang nagsalita.

"W-wala pa po Queen." sagot ng isang Darker na nananatili paring nakaluhod.

"You better give me some good news. We need that book." sabi ng  Queen.

"Hinahanap po namin ang libro sa palasyo Queen. Bawat sulok at passageways sa loob ng palasyo, ni anino ng propesiya ay hindi namin nakita."

*PLAGGG!!!*

Nagulat naman ang Darker sa biglaang paghampas ng braso ng Queen niya sa mesa.

"Ako pa ba ang pahahanapin mo?"

"Q-Queen--"

"Search again! Or I will punish you like how I punished my daughter!" tumayo nalang ang Darker at umalis nalang.

"Kung wala ang propesiya sa palasyo. Then where is it?" tanong ng reyna sa sarili niya. Sinarado nalang niya ang librong binasa niya at mas pinagtuunan ng pansin ang sitwasyon kung nasaan ang libro.

"Great Elena. Marunong ka na ngang magnakaw, marunong karin palang magtago." sabi nanaman nito sa sarili niya at naglalakad lakad nalang sa loob ng silid aklatan habang nag-iisip.

•••••••••

"Ate Eya pinapapunta mo raw kami rito?" bungad ni Shan kay Eya kasama si Lyn. Nasa court parin si Gia nagreretouch sa decorations.

"Ah oo. May isusuot na ba kayo para sa pageant?"







Kru....kru....kru.....

"Patay hindi ko naisip yon." pagsira ni Thea sa katahimikan.

Napatampal naman sa kanilang noo sina Shan at Luna. Maging sila din ay walang maisusuot sa pageant.

"AHAHAHAHA!!!" tumawa naman ang mga kasamang hindi kasali sa pageant.

"Well then. Mas mabuting bibili tayo ngayong hapon para wala ng problema. Para sports nalang ang iisipin niyo bukas." sabi ni Eya na ikinangiti ng tatlong contestants.

"Yayy...tutulungan niyo kami Ate Eya?" masayang sabi ni Luna at tumango naman siya.

"Eya yung schedule daw sa third day--- ow? Anong meron?" napalingon sila sa kakarating lang na si Lee. Si Lee ay busy sa pagprepare ng mga sports venue, tapos yung mga equipment sa sports.

"Uh...tutulungan namin ang mga girls na maghanap ng maisusuot nila sa pageant." sagot ng kambal nito in a 'duh' tone.

"Eh? Ibig sabihin nito maghihintay nanaman ako ng mga ilang oras habang nagshashopping kayo?" nakabusangot nitong sabi at tumawa naman ang mga girls.

"Mukhang ganun na nga hahaha." tawa ni Lyn.

"Depende nalang siguro kung sasamahan ka ng Prinsipe sa loob ng kotse o sasama siya samin sa loob ng Mall."

"Sasama saan?" tanong ng prinsipe na kakarating lang galing sa canteen. Nagugutom kasi siya.

"Magshashopping kami para sa susuotin nila sa pageant. Didiretso nalang tayo sa Mall saka na uuwi." sagot ni Eya.

"Mmhm...ito namang magaling kong kambal eh nagreklamo pa. Kesho maghihintay nanaman daw kuno siya samin ng ilang oras." singit naman ni Lyn.

"Sasama nalang ako sa inyo sa Mall. Sama ka narin Lee. Dun nalang tayo sa arcade, hihintayin nalang natin silang matapos magshopping." suhestisyon ng prinsipe bago umupo sa upuan nito.

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora