Chapter 31: Eya's Story

714 22 0
                                    

EYA

Agad kong niligpit ang mga papeles sa mesa ko. Matapos magligpit ay napatayo ako at nagstretch. Grabe ang sakit sa likod kakayuko!

Agad akong lumingon sa isang mesa kung saan nandoon ang prinsipe. Ayun nakatulog.

Natawa naman ako.

"You'll help you say." sabi ko at naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.

Natigilan naman ako nang makita ko ang tulog nitong mukha.

Unang pagkikita palang namin ay gwapong gwapo na ako sa prinsipeng ito. Even when we are in our world.

Isang beses ko lang siyang nakita sa Incantare pero ang lakas ng impak niya sakin.

But sad to say we aren't meant for each other.

Nakakalungkot isipin. Napangiti nalang ako ng mapait.

"Mmmm..." natauhan naman ako nang kumilos ito. Mabilis akong bumalik sa pwesto ko. Baka mahuli niya akong nakatitig ako sa kanya.

Nakakahiya yon!

Kagat labi ako akong lumingon pabalik sa kinaroroonan niya at nagulat naman ako nang nakatingin din ito sa kinaroroonan ko.

"Hala? Nakatulog ako." gusto kong matawa. Ang kyut niya.

"P-pasensya na. Natulugan ko ata ang mga papeles." tumawa nalang ako.

"Wala lang iyon. Kinuha ko nalang ang papeles sa mesa mo at ako na ang nagtapos."

"Oh?" sabi nito at napakamot sa ulo niya.

"Salamat hehe." sabi nito. "Mm...at salamat din sa pagtulog---este pagtulong mo sakin." sinubukan kong magbiro at mukhang benta naman dahil tumawa ito.

Gwapo parin. Tsk tsk.

Umiling nalang ako at mabilis na tumayo at kinuha ang bag ko.

"Malapit nang magsiuwian." sabi ko sa kanya.

Agad naman niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Kunot noo nitong tinignan ang oras.

"Hmm...oo nga. Ay teka iihi muna ako." sabi niya saka ibinalik ang cellphone sa bulsa niya bago pumanhik papuntang banyo.

Cellphone. Tsk!

Sana pala pinicturan ko siya habang natulog. Kainis!

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng office ko at iniluwal ang mga guardians at ang mga kasama ko.

Kaya lang ay parang ang dark ng atmosphere. Bakit kaya?

"Oh? What's with the faces?" tanong ni Nil. Mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam.

"Wala po."

Matapos yung sabihin ni Luna ay nagsitawanan sina Yumi, Micca at Sue. Nagkatinginan naman kami ni Nil at nagtataka sa aksyong ibinigay ng tatlo.

"Bakit kayo natawa?" tanong ko sa tatlo.

"Eh kasi po Ate Eya. Si Luna ay napili bilang candidate sa Ms. Intrams ng team nila." napanganga lang ako sabay tango. Kalaunan ay ngumiti. Hindi ko mapigilang masiyahan na isa si Luna sa sumali.

"Hindi ko naman po iyon ginusto eh. Si Ate Lyn naman kasi eh." reklamo ni Luna na parang bata tsaka itinuro si Lyn na ngayo'y tumawa.

"Wala kang choice Luna. Tsaka ang ganda mo kaya. Ikakahiya pa ba yon?"

"Hindi lang iyon Ate." singit ni Yumi kaya napunta sa kanya ang atensyon namin. Tumawa pa ito bago dugtungan sa sasabihin niya.

"Kapartner niya po si Hunter."

Draco Incantare Land: The Guardians Mission [COMPLETED]Where stories live. Discover now