PROLOGO

5.9K 199 30
                                    

“Para sa'kin ikaw ang bituin na 'yon sapagkat nakikita ko mula rito ang kanyang ningning kahit na napakalayo nito sa'kin. Parang ikaw, nakikita kita, ngunit napakalayo naman nang agwat ng panahon mo sa'kin.”

-Bianca

Pananaw ng may-akda

Limang bilyong taon na ang nakalilipas nang sumabog ang isang napakalaking bituin sa kalawakan ng Ariwanas o Milky Way, na nagdulot ng pagkawasak ng isang planeta na matatagpuan sa Asteroyd Belt

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Limang bilyong taon na ang nakalilipas nang sumabog ang isang napakalaking bituin sa kalawakan ng Ariwanas o Milky Way, na nagdulot ng pagkawasak ng isang planeta na matatagpuan sa Asteroyd Belt. Ang nasabing planeta ay tinawag na Kronos ng mga siyentista sapagkat sila'y naniniwala na ito'y tirahan ng diyos ng panahon.

Ayon sa lumang talaan ng mitolohiya, bago pa man maganap ang malakas na pagsabog sa kalawakan, ibinaon ng Diyos na si Kronos ang isang makina ng panahon o time machine sa kaila-ilaliman ng lupa upang hindi ito mapasakamay ng kanyang mga kalaban, lalong-lalo na ang anak niyang si Zeus, ang diyos ng kalangitan.

Ayon sa talaan ng mga siyentipiko, matapos ang malakas na pagsabog, ang mga bahagi ng Planetang Kronos ay tuluyang naging asteroyd at meteoroid, kasabay ito ng pagkakabuo ng Planetang Hupiter.

Ilang bilyong taon pa ang lumipas, namataan ng isang lalaki mula sa Planetang Earth ang pagbagsak ng lumiliyab na bulalakaw sa karagatan mula sa kalawakan. Ang nasabing meteoroid ay bahagi ng Planetang Kronos.

Ang kanyang pananaw

Sa taong 1588, 'yan ang panahon ng paghahari ng mga kastila sa Las Islas Filipinas, pangalang 'binigay ni Ruy López de Villalobos sa kapuluan, bilang pagbibigay karangalan sa hari ng Espanya na si Philip II, kung saan nagwagi ang pwersa ng mga day...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa taong 1588, 'yan ang panahon ng paghahari ng mga kastila sa Las Islas Filipinas, pangalang 'binigay ni Ruy López de Villalobos sa kapuluan, bilang pagbibigay karangalan sa hari ng Espanya na si Philip II, kung saan nagwagi ang pwersa ng mga dayuhan laban sa mga katutubong Pilipinong nag-aklas.

Sumailalim ang bawat lalaking mayroong mababang antas sa lipunan na may edad labing anim hanggang animnapu sa ipinatupad na Polo y Servicio ng mga Kastila, o ang sapilitang pagtatrabaho nang walang kabayaran sa ilalim ng sistemang encomienda.

Sa loob ng apatnapung araw bawat taon ay kina-kailangang magtrabaho ng mga lalaking Pilipino, na tinawag nilang polista. Ang kanilang mga trabaho ay pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng gusali at simbahan; pagpuputol ng malalaking puno; at pag-aayos ng mga kalsada, kabilang din ang pagbubuo ng mga malalaking barko o galyon.

Ang iba naman ay naninilbihan sa bahay ng encomiendero, sila ang mga nagtatanggol sa mga mamamayan laban sa kaaway, at may kapangyarihang maningil ng buwis.

Upang makaiwas sa sistemang ito, kinakailangan nilang mag bayad ng falla na nagkakahalaga ng pitong piso.

'Yan ang panahon, na aking pinanggalingan, bago ako napunta sa taong dalawang libo't labing siyam.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now