KABANATA I

4.1K 164 73
                                    

Pananaw ng may-akda

Kasalukuyang ginaganap ang panayam sa isang lalaking nagngangalang Andrew, pinaniniwalaang isang time traveller ng mga tao sa kasalukuyang panahon.

Ang paglalarawan sa kanyang itsura ay masasabing napaka-moderno kumpara noon.

Humarap ito sa midya na nakasuot ng amerikanang kulay itim na may katernong kurbata, pantalon at itim na sapatos.

Pananaw ni Andrew

Larawang ipininta ni
Margarita Santos

Larawang ipininta ni Margarita Santos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang pangalan ko ay Andres Cheng. Ipinanganak ako sa taong 1570, sa Poblado La Trinidad, na pinamumunuan noon ni Datu Maceda.

Panahon 'yon ng labanan sa Maynila sa pagitan ng mga katutubong Pilipino, na pinamumunuan ni Rajah Sulayman at ng mga Espanyol, na pinamumunuan naman ni Martín de Goiti. Sa kasamaang palad, muling nagwagi ang pwersa ng mga Kastila laban sa mga Pilipino, at tuluyang napasakamay nila ang Maynila. Isa kong mestíso o may lahing Tsino. Ang aking ina ay isang purong Pilipino, samantalang ang aking ama naman ay purong intsik na nagmula sa Beijing, Tsina.

Kasagsagan ng dinastiyang Ming nang siya'y magtungo sa Pilipinas upang mangalakal, ngunit hindi ito pinahintulutan ng mga mananakop na kastila, bagkus siya'y naging isang manggagawa para sa kanila sampu pa ng kanyang mga kasamahang Tsino. Nakapag-asawa ng Pilipino ang aking ama, at siya ang naging aking ina, sa sinaunang panahon.

Labing dalawa kaming magka-kapatid, ako ang pinakabata sa kanila. Hindi kabilang ang aming pamilya sa tinatawag nilang Principalia, o ang mga pamilyang may matataas na antas sa lipunan, kung kaya't sa edad kong labing anim taong 1586 ay naging polista ako, o manggagawang hindi binabayaran ng salapi. Sa taong ding 'yon kung saan napalayo ako sa aking ina at mga kapatid na babae, sa kadahilanang malayo ang lugar na aming pinag ta-trabahuhan.

Makakabalik lamang kami sa aming nayon matapos ang apatnapung araw na pagtatrabaho sa loob ng isang taon. Kung minsan ay nagiging limangpung araw bago kami makauwi sa sari-sarili naming mga kubo.

Gano'n kahirap ang pinagdaanan namin sa kamay ng mga Kastila.

Noong Pebrero taong 1588, kung saan sinintensyahan ng mga Kastila ang mga datung nag lakas loob na mag-aklas laban sa kanila. Ang ilan ay ipinatapon sa Nueva España upang ikulong sa piitan, ang iba naman ay binigti, at pinugutan ng ulo.

Sumapit ang buwan ng Hunyo taong 1588, sa labas ng aming tahanan sa tabing dagat. Malakas na ugong ang aking narinig, at nasaksihan ko ang isang bulalakaw na bumagsak sa karagatan mula sa nagliliwanag na kalangitan.

Inanod ng alon papunta sa akin ang mga nagpira-pirasong bato nito. Sa isang biyak na batong kasing laki ng palad, nakuha ko ang isang makinang hugis bilog na may takip. Binuksan ko 'yon, at 'yon, ang nagdala sa'kin, sa taong dalawang libo't labing siyam. (2019) Apatnaraan tatlumpu't isang taon (431 years) na ang nakalilipas mula sa taong 'yon. At sa panahon ding 'yon, ay nakilala ko ang babaeng bumago sa takbo ng aking buhay.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now