KABANATA VIII

754 109 1
                                    

Pananaw ni Ethan

"Urgh! Ano ba 'yan ang tagal naman!!! Lolo Andrew, alam mo po bang mythical glory na 'ko sa ML pero hindi pa rin tayo pumupunta sa mga dinosaurs!" malakas na sigaw ko sa kwarto ni lolo Andrew habang naglalaro gamit ang phone ko.

"Bakit hindi mo kaya tawagin ang ate mo?" sabi ni lolo Andrew habang nakahiga sa kama.

"Practicin ko lang po kung pa'no ko siya tatawagin sa labas," tumayo ako sa kama, at sumigaw nang, "hoy! Babaeng dinosaur! Tara na at magpunta na tayo sa mga kauri mo! Hindi mo ba namimiss si Blue?!? 'Yung dinosaur sa Jurassic World, 'di ba anak mo 'yon?!"

Sabay tawa ko nang malakas, pero biglang pumasok si ate Bianca.

"O tapos? Ikaw, hindi mo ba namimiss si Black?" nagagalit niyang tanong sa'kin. OMG! I'm shaking right now!

"S-Sinong black?" natatakot kong tanong.

"Si black eye!" sigaw niya, agad siyang tumuntong sa kama, at kinwelyuhan ako, at inambahan ng suntok, "anong sabi mo? Mukha 'kong dinosaur ha?!?" galit na galit niyang tanong habang hawak-hawak niya ang kwelyo ko.

"O sige kung ayaw mong dinosaur bayawak na lang!" natatakot na sigaw ko.

"Ahh ganun ha..."

Dahil sa mga sinabi ko, ayun, abugbug Bianca ang napala ko.

"I, am, sorry..." nanghihina, at napapagod kong sabi habang nakahandusay sa sahig.

"Tumayo ka na diyan Ethan, aalis na tayo," sabi ni lolo Andrew.

"Talaga?!?" na e-excite kong sabi.

Tumayo ako, at kinuha ang hiking bag at agad ko 'yong 'sinuot.

"Ano tara na?" nakangiting sabi ko.

Tumingin si lolo kay ate Bianca na nage-emote sa isang sulok.

"Haayy napaka pabebe talaga niya,” bulong ko.

"Ano sasama ka ba?" tanong ni lolo Andrew sa kanya.

"Syempre!" sigaw niya na tila naiinis pa rin sa'kin.

"Huwag nang isama 'yan, matatakot lang mga dinosaur diyan eh," bulong ko.

"Halinakayo, kumapit na kayo sa'kin," sabi ni lolo Andrew.

Agad naman kaming kumapit ni ate sa balikat niya, at ilang sandali pa, bigla na lang nag-iba ang buong paligid ng kwarto ni lolo Andrew, naging isang napakalaking vortex ito na kulay asul.

"Wow! Para kong nasa loob ng TV!" na a-amaze kong sabi.

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang