Pananaw ng may-akda
Taong 2037
Sa loob ng airport kung saan kauuwi lamang ni Bianca galing London, matapos ang napakaraming taong pananatili roon.
Nilapitan ito ng mga reporter.
"Ms. Bianca ano po ang dahilan ng pagbalik n'yo rito sa Pilipinas?"
"Actually, I really miss the Philippines, I miss the Filipino cuisine, and I miss you guys, because in London, I have no stalkers, no one follows me there," natatawang sagot ni Bianca, ngunit natigilan ito nang makita niya si Andrew na nagsasalita sa malaking TV Screen na nasa loob ng terminal.
Sa pagtatapos ng pakikipagpanayam ng midya kay Andrew, pinaniniwalaang isang time traveller.
Lumuluha nitong inihayag sa harapan ng mga kamera na,
"Kasabay nang araw ng aking pagkamatay... Ang pagkasilang naman ni Andrew sa taong 2019, na anak nina Valerie at Martin Pelea, na naging mga magulang ko sa panahong ito... Pinakamamahal kong Bianca Yap, kung napapanood mo 'to, nagbalik na 'ko... Mi amor..."
Samantala, tumulo ang luha ni Bianca nang mapakinggan ang tinuran ni Andrew sa telebisyon.
"Alam n'yo ba kung saang studio naroon si Andrew?" mahinahong tanong ni Bianca sa mga reporter na nasa kanyang harapan.
"Sa studio 5 po Ms. Bianca."
"Salamat."
Agad na tumakbo si Bianca papalabas ng airport, iniwan nito ang mga dala-dalang bagahe sa harapan ng mga reporter, at siya'y agad na sumakay ng taxi.
"Sa studio 5 po tayo manong, pakibilisan lang po, please."
Sa pagdating ni Bianca sa isang studio kung saan ginaganap ang pakikipagpanayam ng midya kay Andrew.
Maraming mga reporter at photographer ang nagsisiksikan sa harapan ni Andrew kung kaya't hindi makapasok si Bianca, pilit niyang tinatanaw si Andrew mula sa malayo, hanggang sa nakipaggitgitan ito sa mga taga-media.
"Makikiraan lang ho," nahihirapang wika ni Bianca.
"'Diba si Bianca Yap 'yon? 'Yung dating artista?"
"Oo siya nga 'yon."
"Siya ang hinahanap ni Andrew!"At si Bianca ay nagsimulang kunan ng mga reporter.
Nang makarating ito sa unahan, dahan-dahan nitong nilapitan ang nakaupong si Andrew.
"Andrew," mahinahong pagtawag ni Bianca habang napupuno ng luha ang kanyang mga mata.
Nang makita ito ni Andrew, napatayo ito mula sa kinauupuan, at ang dalawa ay tila maluluhang nagkatitigan.
Huminto si Bianca sa paglapit kay Andrew.
"Ikaw na nga ba talaga si Andrew?" lumuluhang tanong ni Bianca.
"'Diba sabay tayong humiling sa shooting star? Tinanong mo ko no'n kung anong hiniling ko, ngunit hindi ko sinabi sa'yo sapagkat wala naman akong kasiguraduhan kung magkakatotoo... Pero tama ka, nagkatotoo ang hiling kong makabalik... Dahil ito... Ang nakatadhanang mangyari, ang mabuhay ako sa panahon mo upang magkasama tayo."
YOU ARE READING
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽
Historical Fiction𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐞𝐧𝐠, 𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐫𝐚; 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟓𝟖𝟖, 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭 𝐊𝐫𝐨𝐧𝐨𝐬. 𝐇𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐫𝐚𝐯�...