Pananaw ng may-akda
Biglang lumitaw sina Andrew at ang lalaking nais pumatay kay Bianca Yap sa loob ng isang presinto, na ikinagulat ng mga pulis doon.
Malakas na itinulak ni Andrew ang lalaki sa mga kapulisan, at nasubsob ito sa desk.
"Dakipin n'yo ang lalaking 'yan," seryosong wika ni Andrew sa mga pulis.
"Anong atraso nito?" tanong ng isang pulis kay Andrew.
"Bakit hindi n'yo s'ya tanungin kung anong kasalanan n'ya," seryosong saad ni Andrew.
"Ano bang ginawa mo ha?" tanong ng pulis sa lalaki, at nang ayaw nitong magsalita, agad na lumapit si Andrew dito, at mahigpit na kinwelyuhan ang lalaki.
"Magsalita ka! Sabihin mo sa kanila kung ano ang sinabi mo sa'kin!" galit na sabi ni Andrew.
"Wala akong alam sa sinasabi mo," saad ng lalaki.
"Bibilangan kita hanggang tatlo, kapag hindi ka umamin, hindi ako magdadalawang isip na ibalik ka sa panahong 'yon upang mamatay," seryosong sabi ni Andrew, "isa! Dalawa!"
"Oo na! Aamin na 'ko, si Governor Pablo Bautista ang nag-utos sa'kin para ipapatay si Bianca Yap, inutusan n'ya rin ako para patayin si Henry Lopez, kalaban n'ya sa pagka-gobernador sa lalawigan namin."
Agad itong binitawan ni Andrew.
"Huwag kayong mag-alala sir, makikipag-ugnayan kami sa police provincial office upang paratingin ang statement ng kriminal na 'yan," sabi ng isang pulis kay Andrew.
"Hindi na 'ko makakapaghintay pa, ako na mismo ang gagawa nang paraan upang mahuli ang gobernador na 'yon," seryosong saad ni Andrew sa pulis, at ito ay nagmadaling lumabas ng presinto, at naglaho na lamang na parang bula.
Samantala, sa bahay naman ni Bianca kung saan nagaalalang binisita siya ni Lourdes at Ethan.
Sa sala ng bahay kung saan magkakaharap silang nakaupo sa sofa.
"Ma, huwag kayong nagpapapaniwala sa balita, hindi totoo 'yon, owkey?" sabi ni Bianca sa ina.
"Anong hindi totoo?! Eh umamin na nga 'yung taong inutusan ng gobernador para patayin ka!" pag-taas ng boses ni Lourdes sa anak.
"Ano?!" gulat na tanong ni Bianca.
"Totoo 'yon ate, ikaw ang laman ng balita sa mga oras na 'to," sabi ni Ethan kay Bianca.
KAMU SEDANG MEMBACA
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽
Fiksi Sejarah𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐞𝐧𝐠, 𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐫𝐚; 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟓𝟖𝟖, 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭 𝐊𝐫𝐨𝐧𝐨𝐬. 𝐇𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐫𝐚𝐯�...