KABANATA XXI

521 101 1
                                    

Pananaw ng may-akda

Samantala sa opisina ni Governor Pablo Bautista kung saan pumasok ang isa niyang tauhan at naupo sa kanyang harapan.

Matapos humithit ng tabako ang gobernador, seryosong tinanong nito ang kanyang tauhan,

"Anong balita?"

"Areglado na gob, napag-alaman kong may guesting si Bianca Yap sa linggo, magandang pagkakataon 'yon para itumba siya," seryosong sagot ng tauhan sa gobernador.

"Saan ka pu-pwesto?" tanong ng gobernador.

"Sa isang abandonadong gusali, kaharap lang ng studio, titirahin ko ang target mula sa bintana ng isang silid na nasa ikalimang palapag," seryosong sagot ng kanyang tauhan.

"Siguraduhin mong mapapatay mo si Bianca Yap, dahil kapag pumalpak ka sa plano mo, ikaw ang papatayin ko," seryosong saad ng gobernador. 

Samantala, inihatid ni Ethan sina Andrew at Bianca sa labas ng ospital.

"Saan nga pala tutuloy si mama paglabas n'ya ng hospital?" tanong ni Bianca sa kapatid.

"Sa condo ko na lang, sayang naman kasi 'yung isang kwarto ro'n, hindi nagagamit."

"Owkey, take care of her, 'pag may time ako bibisita 'ko, kukumbinsihin ko si papa para sa chemotherapy ni mama."

"Sige, balitaan mo ko ha."

"Sandali, sino pala ang magbabayad ng hospital bill niya?" tanong ni Bianca.

"Ako na munang bahala ro'n, maya-maya naman pwede na siyang makalabas sabi ng doktor."

"O pa'no, mauuna na kami ha," paalam ni Bianca.

"Ingat kayo ha, sige po lolo Andrew," paalam ni Ethan sa kanila.

At sina Andrew at Bianca ay sumakay ng sasakyan.

Dapit hapon sa sala ng bahay ni Bianca kung saan kausap nito ang kanyang ama sa pamamagitan ng video call sa laptop.

"Papa, kailangan namin ng pera, may sakit si mama, hindi namin siya pwedeng pabayaan ni Ethan," nagaalalang sabi ni Bianca sa kanyang ama.

"Ano bang sakit niyan? Kung makareact ka naman diyan eh, akala mo mamamatay na 'yang manlolokong nanay mo."

"May cervical cancer si mama!" sabi ni Bianca sa ama.

"Ano?!" gulat na sabi ng kanyang ama.

"Totoo ang narinig mo, may cancer si mama, kaya kailangan namin ng pera pang chemo niya," seryosong sabi ni Bianca sa ama.

"Sige, don't worry, magpapadala 'ko diyan as soon as possible.Dumaan si Andrew habang umiinom ito ng pineapple juice sa likuran ni Bianca, at nakita ito ng ama ni Bianca sa webcam. "Teka, may bago ka bang driver?" nagtatakang tanong ng kanyang ama.

"Wala," sagot ni Bianca.

"Sino 'yung lalaking dumaan sa likod mo?" seryosong tanong ng kanyang ama.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now