KABANATA X

649 105 7
                                    

Pananaw ni Andrew

Ang baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila sa bansa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila sa bansa. Ito ang kanilang ginagamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay, at masasabing, ito ay laganap.

Ang mga sinaunang awit ng mga Pilipino ay isinulat ng mga katutubo sa baybayin, subalit nang sakupin ng mga kastila ang Pilipinas, winasak nila ang mga kasulatan sapagkat hindi nila ito maunawaan, at pinalitan nila ito ng Latin at Western Letters.

Kung 'di tayo nasakop ng ibang bansa, nakatitiyak ako na magpahanggang ngayon, baybayin pa rin ang ginagamit natin sa pagsulat.

Pananaw ni Bianca

Sa pag-uwi ko ng house, kaagad kong pinuntahan si Andrew sa room niya para mag-sorry, pero laking gulat ko na lang nang wala na siya roon.

Tinignan ko ang banyo, ang ilalim ng kama, maging ang loob ng mga cabinet, pero wala talaga siya sa mga 'yon, nagsimula akong mag-panic.

"Manang!" malakas na pagtawag ko sa maid.

Agad naman siyang pumasok sa room ni Andrew.

"Yes po ma'am?"

"Where's Andrew?" nag-aalalang tanong ko.

"Ma'am hindi naman po siya lumalabas sa kwarto niya magmula nung umalis po kayo."

Nang marinig ko ang sinabi ng maid, nagsimulang tumulo ang luha ko sa'king mga mata. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko, hindi kaya, bumalik na siya sa panahon niya, at tuluyan niya na 'kong iniwan?

Pananaw ng may-akda

Binalikan ni Andrew ang taong 1588, dapit hapon nang bigla na lamang siyang lumitaw sa harapan ng kanilang kubo malapit sa dalampasigan.

Ngumiti siya, at pinagmasdan ang kapaligiran, at masayang sinabing,

"Bienvenido, Andres!"
(Maligayang pagbabalik, Andres!)

At pumasok siya sa loob ng kubo.

"Sino ka?!?" sigaw ng isang matandang babae sa kanya.

"Hindi n'yo na ho ba nakikilala ang bunso niyong anak?" nakangiting sabi niya sa kanyang ina.

Bahagyang lumapit ang kanyang ina sa kanya, at sinabing,

"Andres? Ikaw na nga ba 'yan?"

"Wala nang iba pa madre," masayang sabi ni Andrew sa ina, at niyakap niya ito nang napakahigpit. "Te extraño mucho."
(I miss you so much.)

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now