EPILOGO

1.5K 104 49
                                    

Pagtanaw sa nakaraan.
Ang dakilang pangarap ni Andres.

"Shooting star, mag wish tayo Andrew," nakangiting pag-yaya ni Bianca kay Andrew, "sana, ang lalaking nasa harapan ko na ang naka tadhana para sa akin."

"Que el día de mi muerte, pueda volver a la superficie dea tierra, para que pueda pasar más tiempo con la mujer que está a mi lado. Que mi espíritu sea restaurado, y tenga nueva carne y nuevos huesos, que tendrán que nacer otra vez, en el tiempo de mi querida Bianca."
(May the day of my death, I'd be able to return to the surface of the earth, so that I can spend more time with the woman next to me. May my spirit be restored, and have new flesh and bones, which shall be born again, in the time of my beloved Bianca.)

Pananaw ni Andrew

Sa muling pagbabalik ko sa mundo, isinilang ako sa taong 2019, sa pangalang Andrew. Noong kabataan ko ay wala akong maalala tungkol sa aking nakaraan, hindi ko alam kung sino talaga 'ko. Hanggang sa napanood ko si Bianca Yap sa mga luma niyang pelikula, at doon ako labis na namangha sa angking kagandahan niya at husay sa pag-arte.

Habang lumalaki ako't nagkakaisip, unti-unting nagbalik ang alaala ko. Hanggang sa ibinigay sa'kin ng aking amang si Martin, ang time machine, na pagmamay-ari ko raw ayon sa kanya. At doon na naging malinaw sa'kin ang lahat, na ang babaeng iniidolo ko pala, ang siyang babaeng pinakamamahal ko sa nakaraan kong buhay. 

Matapos ang muli naming pagkikita ni Bianca Yap sa studio, taong 2037, pumunta kami sa London upang makita ko si Andrea, ang naging anak ko sa kanya.

Labis ang kasiyahan ko nang makita ko't mayakap ang aking anak, sinabi niya sa'kin, na paulit-ulit niyang pinanonood ang video message ko para sa kanya.

Ikinasal kami ni Bianca sa taong 2037, at nagkaroon pa ng mga anak. Katulad ng kanyang sinabi, nagsama kami nang mahabang panahon, nasubaybayan namin ang paglaki ng mga anak namin, hanggang sa nagkaapo kami. Tumanda kaming magkasama hanggang sa kanyang huling hininga.

Walang araw ang lumipas na hindi ko siya naaalala, sa bawat pagsikat ng araw, hinahanap-hanap ko ang kanyang mainit na yakap, ang matamis niyang ngiti sa akin, at ang walang sawang pagsabi niya nang mahal kita.

Bago ako tuluyang magpaalam sa mundo, nais kong masilayan at mayakap muli, ang pinakamamahal kong si Bianca Yap. Sa tulong ng time machine panandalian akong bumalik sa taong 2019, panahon kung saan hindi pa kami nagkakakilala. Matiyaga akong naghintay sa kanya sa labas ng bahay, umaasang muli siyang masisilayan. At nang siya'y lumabas, lumuluha ko siyang nilapitan,

"Maaari ba kitang mayakap? Bago ako tuluyang mamaalam," hiling ko sa kanya.

Tumango siya sa akin habang ako'y kanyang pinagmamasdan, at siya'y aking niyakap nang napakahigpit.

"Ang gaan nang pakiramdam ko sa inyo lolo, feeling ko, matagal na tayong magkakilala. Sino ho ba kayo?"

"Malapit mo na 'kong makilala... Mi amor..."

Sa pagbalik ko sa kasalukuyan, naguumapaw ang aking kaligayahan, sapagkat muli kong nakita at nayakap ang aking namayapang asawa.

Sa muling paglisan ko sa mundong ibabaw, ipinapangako kong wala nang makapaghihiwalay pa sa amin, ng pinakamamahal kong si Bianca Yap, na patuloy na nabubuhay sa aking puso't isipan.

Te Amo, Bianca Yap.

Mula sa ika-dalawampu't dalawang siglo.

Andrew.

Pananaw ng may-akda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pananaw ng may-akda

Namayapa si Andrew sa edad na isang daan at anim na taong gulang sa loob ng kanyang silid, at inilibing ito sa tabi ng puntod ng asawang si Bianca.

Samantala, isang dayong binatilyo ang nakapasok sa loob ng silid ni Andrew, lulan ito ng isang lumilipad na sasakyan, at nakuha niya roon ang time machine na pagmamay-ari ni Andrew, at sinabi nito sa relo ang mga katagang,

"Dalhin mo ako, sa babaeng mamahalin ko nang buong puso't kaluluwa."

At ang lalaki ay napunta sa nakaraan, sa taong 2019. At sa panahong 'yon, ay nakilala niya ang babaeng mamahalin niya, ang babaeng babago sa takbo ng kanyang buhay, na nagngangalang Grace.

"Sino ka? At saan ka nanggaling?" tanong ni Grace sa binatilyo.

"Ang pangalan ko ay Rafael, mula ako sa taong 2125."

Wakas ng unang aklat.

Maraming salamat po
sa pagbabasa ng,
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽

©All Rights Reserved:
2018

©All Rights Reserved: 2018

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COMING SOON!

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon