KABANATA VII

887 110 3
                                    

Pananaw ni Ethan

My name is Ethan Marcus Yap, younger brother ng isa raw sa pinakasikat na artista sa Pilipinas, none other than, Bianca Marie Yap. I'm honestly telling you na wala pa akong napapanood miski isang pelikula niya, or nang kahit na anong mga kadramahan niya sa TV.

Unang-una, dahil hindi naman ako mahilig manood, pangalawa, mas gusto ko pang magbasa ng mga libro about science, at mag research using the internet, pangatlo, ayoko talagang panoorin si ate sa TV, umiinit lang kasi ang ulo ko dahil sa mga misused words na sinasabi niya sa news. Hanggat maaari nga, ayokong malaman ng mga tao na magkapatid kami, dahil ayaw na ayaw ko sa mga reporter, at ayokong pinag-uusapan ng mga tao ang pribado kong buhay, lalong-lalo na ang pakialaman ako, kaya I decided to live in a condominium para makaiwas sa kanilang lahat, at magkaiba rin kami ng university na pinapasukan.

Maraming babaeng nagkakagusto sa'kin, sabi nila cute raw ako, sila ang nag-udyok sa'kin na sumali sa ginoong pamantasan last school year, and I unexpectedly won the title, but let me tell you something you already know. I'm a closeted gay, pero wala pa akong ibang taong pinagsasabihan, except kay Klea, my best friend since grade 7. She has always been supportive to me since I came out to her, she's always there for me through good and bad times. Alam niya lahat ng secrets ko, wala akong tinatago sa kanya, pati yung poging driver nila na bet na bet ko alam niya, kaya madalas nakikisabay ako sa kanya umuwi, kahit hindi naman on the way sa condo ko ang bahay nila. Wala lang, para lang makatabi ko 'yung driver nila sa front seat, pero si Klea, palagi niya 'kong pinauupo sa tabi niya, sa back seat, kaya never ko pang nakatabi 'yung driver nila eh.

You know what, every sport na sinasalihan ko palagi niya 'kong sinasamahan. Gusto ko talaga maging sporty person, kaya naisipan kong sumali sa basketball, sa university namin, I am 6 feet tall, malay mo maging MVP, pero hindi ako nagtagal sa team namin eh, na disqualified ako dahil iba raw ako dumipensa sa kalaban, patuwad daw, kung hindi naman, paluhod. Ewan ko ba! Bigla na lang akong binugbog ng opposing team matapos ang game. Gusto ko lang naman ma-steal ang bola, anong masama do'n? Wala eh, hindi ako na brief nang maigi, malay ko ba na bawal pala 'yon. Duh!

After ng basketball, nag-enroll naman ako ng swimming sa PE subject ko. First day of class, pinalangoy kaagad kami ng prof sa pool. Ang gagaling ng mga classmate ko, ang dami nilang alam na swim styles, samantalang ako, langoy sirena ang ginawa ko, kaya pinagtawanan nila 'ko. Mag-aral daw ako ng mga style sabi ng prof ko.

Nung second week, pinalangoy nanaman kaagad kami. Bigla 'kong pinituhan ng prof ko, pagkatapos sumigaw nang,

"Anong style 'yang ginagawa mo?!?"

"Dog style po!" sagot ko sa kanya.

Bigla niya na lang akong pinaahon sa tubig eh, drop ko na raw 'yung subject niya. Sorry na! Hindi ako nakapag-aral ng mga swim styles dahil mas pina-prioritize ko ang mga major subjects kesa sa PE. Kaya nag-decide ako na next school year na lang mag take ng PE.

Dahil nga gustong-gusto ko maging sporty person, nag-enroll naman ako sa Jiu Jitsu, isang uri ng martial arts kung saan hand to hand ang labanan, at lakasan ng pangangatawan. May built naman ang katawan ko kahit papaano, hindi n'yo na itatanong, palagi akong tambay sa gym.

First session pa lang na-enjoy ko na 'yung Jiu Jitsu, yakapin ba naman ako ng poging instructor tapos ihiga sa foam tiles at magpagulong-gulong hindi ako matutuwa? Umatake raw ako sabi ng instructor, ang ginawa ko, inatake ko siya ng kiss sabay sapak sa'kin.

"Sorry sorry ground fighting pala 'to," sabi ko.

"Ano bang kala mo?!" galit niyang tanong.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now