Pananaw ng may-akda
Matiyagang naghintay si Andrew kay Bianca habang nakaupo ito sa kama. Malalim ang iniisip nito habang hawak-hawak ang magazine.
Sumikat na ang araw nang pumasok si Bianca sa kwarto ni Andrew na wari pagod na pagod, at nang makita niya si Andrew, na nakaupo sa kama habang malalim ang iniisip,
"Gumising ka na ba, or hindi ka pa natutulog?" tanong ni Bianca kay Andrew na walang imik.
Umupo si Bianca sa tabi ni Andrew, at nagtanggal ng heels.
"It's been a long day, haggard na haggard ako, alam mo bang hindi ako nakatulog sa tent dahil hindi kita katabi... I need to rest na muna, owkey?" sabi ni Bianca.
At nang sana'y hihiga na 'to,
"Sino ang nagbigay sa'yo nito?" seryosong tanong ni Andrew kay Bianca.
"Ano ba 'yan?" inaantok na tanong ni Bianca.
Sinilip ni Bianca ang magazine na hawak-hawak ni Andrew.
"Ahh 'yan ba? Si Martin Pelea, buti ka pa nabasa mo na, wala kasi akong time magbasa recently," antok na antok na sabi ni Bianca sa kanya, at biglang nahiga 'to sa kama. "Haayy sa wakas nakahiga rin nang maayos.”
Tumayo si Andrew mula sa pagkakaupo sa kama, at humarap ito kay Bianca.
"Sa'n ko siya maaaring makita ngayon?" seryosong tanong ni Andrew.
Tumingin si Bianca kay Andrew.
"Bakit gusto mo siyang makita?" tanong nito.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko!" sigaw ni Andrew.
Biglang bumangon si Bianca mula sa pagkakahiga.
"Bakit nga?!" naiiritang tanong nito.
"Tsaka na 'ko magpapaliwanag, ang importante, makausap ko siya ngayon!" saad ni Andrew.
"Haayy! Pwede bang patulugin mo muna 'ko," naiinis na sabi ni Bianca.
Agad namang lumapit si Andrew dito, at hinawakan ang kanyang dalawang balikat.
"Nakikiusap ako sa'yo, sa'n ko siya pwedeng makita ngayon?!" tanong ni Andrew.
"Teka, parang 'binigay niya 'ata 'yung number niya sa'kin nung hinatid niya 'ko."
Kinuha ni Bianca ang cell phone niya mula sa bag, at tinignan nito kung naka-save ang number ni Martin sa kanyang contacts.
"Meron nga akong number niya," saad nito.
"Ano pang hinihintay mo, tawagan mo na!" nagmamadaling sabi ni Andrew.
"Teka, baka mamaya tulog pa 'to," sabi ni Bianca.
"Subukan mo na, dali na!" sigaw ni Andrew.
"Haayy grabe 'to, ano kayang nakita mo kay Martin at gano'n ka na lang ka-atat na makita siya," saad ni Bianca.
Sa inis ni Andrew, pinagpapalo niya ang kama gamit ang dalawa niyang kamay habang sumisigaw sa inis.
"Heto na! Haayy sarap mong paluin sa pwet," naiinis na sabi ni Bianca At tinawagan niya si Martin. Agad naman nitong sinagot ang tawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/166261134-288-k913237.jpg)
أنت تقرأ
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽
التاريخية𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐂𝐡𝐞𝐧𝐠, 𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐩𝐚𝐧𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐫𝐚; 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫 𝟏𝟓𝟖𝟖, 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞 𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐡𝐨 𝐠𝐨𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭 𝐊𝐫𝐨𝐧𝐨𝐬. 𝐇𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐫𝐚𝐯�...