KABANATA XII

667 101 6
                                    

Pananaw ni Ethan

Let me tell you a secret, since I was a kid, hubot hubad na talaga 'kong matulog under the cover, kaya pinag-iisipan ko kung matutulog ba ako nang nakahubad sa room ni Klea, baka mamaya kasi, kung ano pang isipin niya 'di ba? Pero napaka-hot ko kasing tao, what I mean is, I get hot easily kahit nakatutok na sa'kin ang aircon at air cooler. Whatever! Lalabas na 'ko ng hubot hubad dito sa bathroom ng kwarto ni Klea dahil tapos na 'kong makiligo.

Sa paglabas ko, dumiretso ka'gad ako sa dressing table niya para manalamin at maglinis ng tenga using a cotton swab. When she saw me, napasigaw na lang siya habang nagbabasa ng libro sa kama, at nagtalukbong ng kumot.

"Ano ka ba naman Ethan! Hindi porket bading ka eh pwede ka nang lumabas sa banyo ng hubot hubad, may babae kaya rito,"
sabi niya sa'kin habang naka talukbong.

"Kunwari ka pa, pero kinikilig ka naman diyan, wala akong damit kaya ganito na lang ako matutulog."

"Kahit suot mo man lang 'yung boxer short mo!" sigaw niya.

"Ayoko nga, alam mo namang hindi ako nag-uulit ng suot diba? Peram na lang ako ng underwear mo, nasa'n ba?" biro ko.

Binuksan ko ang drawer niya pero sumigaw siya nang,

"Binabalaan kita Ethan! Huwag mong susuotin ang panty ko!"

"O sige, peram na lang ng bra mo."

Dahil sa sinabi ko, naiinis siyang lumabas sa kumot, at sumigaw nang,

"Ethan! Bakit—"

When she saw me naked, natulala na lang siya sa'kin, para bang na shock nang makita si big bird ng Sesame Street.

"Bakit ang tigas... Ng ulo mo?!? Sabi ko sa'yo magdamit ka na 'di ba?!?" sabi niya habang ibinaling ang tingin sa ceiling.

"Ayoko nga, marumi na 'yon 'no, alam mo namang germaphobe ako, napakalinis ko sa katawan, kung gusto mo, labhan mo 'yung white shirt na panloob ko at 'yung boxer short ko, paki dryer na rin sa loob after."

"Kapal mo rin talaga mister 'no?! Ano ko, yaya mo?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa ceiling.

"Hoy, yaya lang ba pwedeng gumawa no'n? Pwede rin namang asawa 'di ba? Huli ka na 'no! H'wag mo na kasing pigilan ngumiti, gano'n talaga, malakas ang sex appeal ng best friend mo."

"Tse! Lalabhan ko na."

Agad siyang pumasok sa bathroom habang nagpipigil ngumiti.

"Nakasampay sa shower door ha!" sigaw ko.

Sumampa 'ko sa kama at nagkumot. Pagkatapos kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table lamp na nasa tabi lang ng kama, nakita kong may nag-add sa'kin sa FB.

𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷 𝓘 𝓛𝓸𝓿𝓮 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓽𝓱𝓮 𝓟𝓪𝓼𝓽 Where stories live. Discover now